And the award goes to....
25.11.2010
For the first time, nagkaroon ng Tem Coaching. Syempre, tuwang tuwa kami nila Antacid Gurl at Neneng LBM. Dahil marami kaming bagong team mates, naisipan ni Irma Daldal na isa isang magpakilala ang mga baguhan...
"Hi, I'm Tatiana. I'm shy".
"Hi, I'm Sunshine".
So far, so good. Pangiti-ngiti lang ako. Syempre, new friends. Nagulat na lang ang lahat sa pagpapakilala ng isang dalaginding na maraming panahon para mag-eyeliner.
"Hi, I'm Emo..and I am mad!"
Pagkatapos ng statement na yan, nagpatuloy na sa kanyang sentimyento si Emo.
"I am hurt. Lagi na lang kami pinaparinggan na mali yung gawa namin."
"Sino nagparinig sa'yo?" tanong ni Irma.
"Sorry Ate, ikaw!", sabi ni Emo sabay turo kay Antacid Gurl.
"At ikaw!", sabay turo sa akin.
Nagulat kami ni Antacid Gurl. Lalo na nang tumulo na ang luha ni Emo. Sa sobrang lakas ng monologue nya, nilapitan si Irma ni Pipoy at sinabihan na sa training room na lang kami dahil nga naman parang may live broadcast ng Face to Face sa operations floor.
Lakad kami papuntang Training Room. Syempre, bad trip kami ni Antacid Gurl.
"I am going to sit at the front", sabi ni Antacid Gurl. "I want to hear this".
Nagpatuloy ng kwento si Emo...
"...kasi po kanina, narinig ko sabi sila ng sabi na "Who is Fayatollah?". Syempre po hindi lang naman ako ang nasasaktan. I am speaking for everyone."
Tinignan ko yung everyone na sinasabi nya. Okay naman silang lahat. Mga kinakausap namin ni Antacid Gurl.
"...wala akong magagawa kung ugali nyo yan. But you are being bullies."
Ay naku, nagpanting na talaga tenga ko. Bully pala ha...
Nagsalita si Antacid Gurl:
"Ano ba exactly yung narining mo na sinabi namin?"
"Basta po narinig ko sinasabi nyo mali. You are making us look bad. Lagi ko naririnig sinasabi nyo put back na naman. Tapos paulit ulit pa na sinasabi "Who is Fayatollah?" Syempre napapahiya yung tao."
Di ko na napigil ang sarili ko.
"Why are you so affected? Hindi naman pala ikaw. Nag-uusap kami nakikinig ka, tapos ngayon apektado ka. Tsaka hindi kami nagsasabi ng name ng agent. Si Irma!"
Shocked ang Emo. Hindi kumibo.
"Oo ako ang nagtatanong kung sino si Fayatollah", sabi ni Irma. "Gusto ko kasi malaman kung saan nakuha yung sagot."
"Ano ba ang gusto mo?", tanong ko kay Emo. "Bawal kami magcomment? Kasi baka marinig mo, ma-oofend ka na naman. You know, you shouldn't be working in a call center kung ganyan ka kasensitive!"
Namagitan si Irma.... Nag dialog about friendships..teamwork...at ang inaasam na team building.
Pero ang tunay na nagtanggal ng tensyon ay ang pag amin ng isa sa mga bago naming teammates na sya si Fayatollah.
Ang ending? Nagsorry si Emo sa amin ni Antacid Gurl. At dapat lang. Nag eavesdrop ka na nga lang sa usapan namin, naki-emote ka pa. Hindi naman ikaw ang concerned party.
Kaya, winner. Dapat ka talaga parangalan ng isang award : Breakthrough performance by a new artist!
Posted by csadviser 20:16 Archived in Philippines Comments (0)