
Kahapon, nagulat ako at may isa pa pala akong gift na matatanggap. Thank you super sa anonymous gift-giver. You know who you are, chos!
Pag gising ko, bumunot agad ako ng isang card.
Heto ang nakuha ko:

Kaya here is my list:
10 Blessings
1. Wonderful workmates.
In fairness, majority naman ng mga naging katrabaho ko ay mababait sa akin at kasundo ko. Ang mga kasamahan ko ngayon, masasaya lahat kasama. Lagi kaming nagtatawanan. Palagay ang loob ko sa kanila (wag lang sa pet ni Miss Malaysia). Kahit minsan, thousands ang emails na kailangang sagutan, okay lang dahil madaming kwento. Kwela. Ah basta, I love them all....
2. My dear Doggies
Sabi nga nila, man's best friend ang mga aso. How true. Mga aso lang ang nagbibigay ng unconditional love. Kahit pagalitan mo, sigawan mo, mahal ka pa rin nila. Great stress reliever din ang mga aso. My dogs never fail to make me smile. Kahit na may pagka-matigas ang ulo nila minsan, hindi ko pa rin ipagpapalit. To my dear Hello, Dwyane, Charcoal, Penny at Greggy, Mommy loves you.
3. Electric Toothbrush
Dati pa dapat ako bumili nito. In fairness, malaki talaga ang difference na nagagawa nya. Makikita at mararamdaman naman ang resulta pagkatapos gamitin. Parang mas sparkling white ang mga ipin, at puede nang hindi mag-floss. Puede lang naman ha...pero mas gusto ko pa rin mag-floss.
4. Books
Kung wala sigurong mga libro, malamang magaling na akong mag-gantsilyo o maghabi ng tela. Kasi ba naman, hindi ko kayang lumipas ang isang araw na hindi nagbabasa. I must admit na isa ito sa mga rason kung bakit ako laging kulang sa tulog. Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko "Isang chapter lang, matutulog na ako". Tapos magugulat na lang ako ala-una na pala ng umaga at halos tapos ko na yung libro. Mawala na ang tv, wag lang ang mga libro.
Here is one of my favorite books. I must have read this book a thousand times, but it still makes me cry.

5. Lotion / Hand cream / Petroleum Jelly
Alam ko nabanggit ko kay Antacid Gurl ito dati, medyo obssessed ako sa pagtanda. Ayoko talaga. Kung puedeng pigilan, bigyan ng Hold Order mula korte, gagawin ko. Pero wala talaga. I read somewhere that our hands are the first part of our body to show signs of aging. Kaya ako, laging naglolotion ng kamay sa opisina. Sa bahay naman, laging may petroleum jelly ang kamay ko bago matulog. While I admit na marami akong battle scars mula sa pagluluto sa kamay ko, I am proud to say na malambot naman sya.
6. Food
The common love for food or pinagandang version ng mahilig kumain aka matakaw. Tinakda ata talaga ni Lord na magkasama-sama kami sa isang team (Antacid Gurl, Ms. Malaysia, Lipgloss, Reechang, Firestarter, Caramel, Cruz-not-Poon at Poleng). Kahit ano na lang na rason, naiisip namin makapag- potluck lang. Yung mga pagkain na dinadala namin, kayang pakainin ang isang batalyon. Pero deadma kami. Lafang kung lafang.
7. Skype
What can I say about Skype??? I guess, I am just thankful to be a part of this account. I feel relaxed and I am not hoarse from talking 8 hours a day. So, thank God for Skype.
8. Good Health
In fairness, kahit na overweight ako (yup, inaamin ko na) masaya ako at walang mga major health concerns. Ganun din para kay uber healthy Chocoboy. Para naman kay TSA, nagpapasalamat ako at lately, okay sya. Walang mga dumdalaw na sakit.
9. TSA
Last January 1, TSA and yours truly celebrated our 6th year together. Grabe, ang tagal na namin and I mean this is in a positive way. Frankly speaking, I can't imagine my life without TSA.
10. Chocoboy
The most important person in my life is my son. While it is true that everything changes, my love for him will remain constant. Whenever I look at Chocoboy, I am comforted by the fact that I will never be forgotten because a part of me will always live in him. I love you anak. To the moon and back.