A Travellerspoint blog

December 2009

New Year celebration sa office!

all seasons in one day

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na dito ako sa opisina magcecelebrate ng New year. For the first time in my 30 years dito sa mundong ibabaw, nangyari ang sabi ko never mangyayari sa akin. Hindi ko makakasama ang pamilya ko sa pagsalubong ng bagong taon.

In fairness, buo ang Team Pedra. Wala lang si Vomva dahil may sakit. Take note, totoong sakit ha. Kahapon pa sya wala. Kakamiss sobra si Vomva.

ny4.jpg

ny3.jpg

Himala talaga, dahil bukod sa pumasok ako, nandito din si Spongebob at Rosalinda. Nagsabwatan kaya kaming tatlo na di papasok ngayon. Pero nanaig ang kabutihan sa mundo... At hiya kay Pedra. hehe

Avail naman. Almost five minutes din.. Sana nga wala nang pumasok na calls. At sana magpa VTO... Please po Lord...

Ang Pedra, naka dress at high heels. Bonggacious. Sunshine yellow na may sangkatutak na polka dots ang outfit nya with matching high heels na gladiator sandals. Winner diba? Eto ang pic nya with the other beauty queens ng TMUK.

tls_pretty.jpg

Naka-purple dress naman si Chacha. Dalagang dalaga. Namigay pa nga sya ng marshmallows at Potchi. Daig na daig ang ipinamigay ng 24/7 nung chippy na trick or treat. hahaha

Si Santino, may oral thrush... In short, singaw. Kaya slightly ngongo sya today. Pero carry lang, calls pa rin ang bata.

paengers.x-citrix-pjpeg

Thank you kay 38B/C, umorder sya ng 2 leche flan. Thank you po super. Tsaka niregaluhan ako ni 38B/C ng lipstick. Super ganda. Aylabit! Dami kaya nag comment na bagay sakin. haha nagbuhat ng bangko. Sorry naman,pagbigyan nyo na ako, last day naman ng 2009.

japayuki.x-citrix-pjpeg

Nakakatawa si Emo Kid kanina sa start ng shift. Narealize nya kasi na sya lang ang nakaluma na damit. Magiging jologs daw sya buong 2010. hehehe

emokid.x-citrix-pjpeg

Si Miss India naman, nagccalls habang nakataas ang paa. Namamaga at nilagyan ng yelo ngayon ng nurse from the clinic. Kakatawa noh... Di na sya makalakad, pero di pa rin pinauwi. Sabagay, hindi naman paa nya ang nagccalls. Tsaka, astig nga eh. Para lang sya nasa bahay, nakataas ang paa. Anti varicose veins.

Si Pokemon excited para sa 2010. Bukod sa dadating na ang Baboy nya, year of the tiger kasi.

Ano ba ang highlight ng pagpasok sa New Year's Eve??? Well, maylibreng food. Kaso, yung food na natikman ko ngayon, ay hindi kagandahan ang lasa. Parang hindi nila alam kung ano ang vetsin, asin at paminta. Walang lasa. Merong crepe for dessert. Naawa nga ko dun sa mangga, hilaw pa sya. Pinilit itago ang asim sa chocolate syrup, ngunit nabigo sila. Napangiwi ang lahat sa crepe. Kaya buong taon kaming nakangiwi. Thank you sa food caterer ha!

Hay naku, super queuing pa today. Kakadepress. Pero nagpromise kami kay Pedra bawal emo today. So to all my readers, have a peaceful and prosperous new year! at.... safe sex!

Posted by csadviser 01:09 Archived in Philippines Comments (0)

The Call

overcast

The Chronicles of Narnia : Prince Caspian is already a year old film but I only managed to see it during the weekend. Needless to say, I liked it. Hence, the article. I especially liked the soundtrack. The closing song "The Call" by Regina Spektor was especially heartwarming and literally made me wept. I truly believe that the last scene wouldn't be half as effective if they used a different track. Anyway, here are the lyrics.

Narnia-Pri..2012-01.jpg

It started out as a feeling
Which then grew into a hope
Which then turned into a quiet thought
Which then turned into a quiet word

And then that word grew louder and louder
'Til it was a battle cry

I'll come back
When you call me
No need to say goodbye

Just because everything's changing
Doesn't mean it's never
Been this way before

All you can do is try to know
Who your friends are
As you head off to the war

Pick a star on the dark horizon
And follow the light

You'll come back
When it's over
No need to say good bye

You'll come back
When it's over
No need to say good bye

Now we're back to the beginning
It's just a feeling and no one knows yet
But just because they can't feel it too
Doesn't mean that you have to forget

Let your memories grow stronger and stronger
'Til they're before your eyes

Posted by csadviser 04:31 Archived in Philippines Comments (0)

Christmas Season = Lucky

overcast

Grabe ang suwerte ng Team Pedra. Sa 1st raffle for December, Tatlo ang maswerteng nanalo sa Team namin. Nanalo si Emo Kid ng Electric Grill. Si SpongeBob at si Pedra nanalo pareho ng vacuum cleaner. Sa totoo lang, si Pedra nga twice nabunot ang pangalan. kaso pinapili sya. Isa lang daw ang puede. natural, vacuum ang pinili ng lola mo. Grocery basket lang yung isa eh. Galeng noh! Suwerte.

After the raffle, sumugod ang Team Pedra sa Yellow Cab. Treat ito ni Pedra. Syempre, ang sasaya naming lahat.

Kumain kami ng pizza ng parang wala nang bukas...
pizza1.x-citrix-pjpeg

I am sure hindi kami makakalimutan ng Yellow cab peeps dahil sa ingay na ginawa namin. Dun ba naman kami nag exchange gift...

teampeds.x-citrix-pjpeg

eat.x-citrix-pjpeg

Pedra got her pocketbook and tickler...
trina.x-citrix-pjpeg

Nakuha ni Pokemon ang pinakaaasam na baboy...
pig.x-citrix-pjpeg

Napasakamay ni Vomva si Christian Bautista...
mael.x-citrix-pjpeg

Si Joaquin, ang Bratz doll na matagal na nyangpinapangarap...
team7.x-citrix-pjpeg

Ang bag ni Rosalinda aka Paloma...
bagpaloma.x-citrix-pjpeg

Ang lip plump ni Miss India... Umepek agad... di pa ginagamit ha,,, binuksan pa lang...
carla.x-citrix-pjpeg

Ang jacket for the jowa ni Wenk...
klarthe.x-citrix-pjpeg

Si Mary nabaliw sa earphones na pink...
mary3.x-citrix-pjpeg

Matchbox for moi...
a2.x-citrix-pjpeg

Big bag ni Minoy....
minoy2.x-citrix-pjpeg

Parang nakatanggap ng relief goods si Spongebob mula kay Santino...
paeng.x-citrix-pjpeg

team.x-citrix-pjpeg

team2.x-citrix-pjpeg

team4.x-citrix-pjpeg

Posted by csadviser 01:13 Archived in Philippines Comments (2)

Seasons Greetings

all seasons in one day

3 more days at pasko na. Honestly, hindi ko maramdaman. If I didn't have a son, I am sure I wouldn't have exerted much effort into celebrating it either.

I know matagal na akong hindi naka pag post ng entry. Blame it on the hectic schedule, or better yet, dun sa isang myembro ng Feng Shui Kids na nakahuli sa akin na nagbblog at nagpipilit na issuehan ako ng memo. Kaya, eto I am back. Hopefully, with a vengeance.

Congratulations sa aking mga ka-teammates. Regular na kayong lahat. I truly hope that you guys excel in this company. I am looking forward to the day na we can all get together at lahat kayo ay malalayo na ang narating sa call center industry. I am so proud of you guys.

Super daming achievements ang nakuha ng Team Peds. Last November, kasali si Pokemon at Baby Gurl sa mga naka hit ng target for the month. Dahil sa accomplishment na ito, pareho silang nakakuha ng tumataginting na five thousand pesos!

Believe it or not, nag Number 1 ang cluster ni Koya Chester 1st week ng December. Ang reward, binigyan kami ni Chester ng Chupa Chups at Candy Cane. Sale ata nun eh. Joke hahaha

Tapos, last week ng November Team Pedra ang Number 1 sa buong site. Galeng noh!

Super busy sa ops. Lahat nagkukumahog na ma meet ang targets dahil sa niroll out na incentives ni Fafa Walther. Once a week, may lucky agent na mananalo ng trip for 2 to Boracay worth P25,000.00. Ang maganda pa dito, convertible saya to cash or GC. Kung ano preference mo. Kung madaya ka, GC. Para buong twenty five kyaw. Kasi pag cash, idadaan sa payroll, so less 30% tax. Kakahinayang, diba?

Madami na din mga nanalo ng Nokia 5800 at yung P1,000.00 daily. Not bad.

Kahapon, super saya ni Chacha. Nasorpresa kasi sya ng bigla syang abutan ni Pedra ng P500.00 GC. Dahil naman yun sa weekly performance. So, if you hit your targets every week, five hundred. Buti na lang nakakuha din me. Pang kapital sa leche flan business.

GOODBYE PUPPIES!

Nakuha na nung neighbor namin si Taru last December 15. Right after the 5-in-1 shot, dun na sya dumiretso.

IMGP0091.jpg

Si Dumpling aka Enchong, nakuha na ni Anne Curtis kahapon. Nagmeet sila ni TSA sa SM Fairview, naluha nga si TSA. Diba nga kasi fave nya si Dumpling. Bongga nga si Dumpling aka Enchong, dami pics sa Facebook!

dumpling_s..itrix-pjpeg

dumpling.x-citrix-pjpeg

Si Charcoal, sa bahay na lang. Napamahal na sa amin.

IMGP0068.jpg

CHRISTMAS PARTY

Kakatawa, pinaka excited ako, pero hindi ako umattend. Pagod na kasi at super stressed. Pero ok lang, hindi ako ABS bitter herbs. Di rin naman ako nabunot sa raffle at based on what I have heard, mega boring daw. Well, ganun talaga. We can't have everything. Pero Lord, ok lang po talaga kung ibibigay nyo sa akin ang Boracay. Mwuah

Posted by csadviser 23:58 Archived in Philippines Comments (2)

Monkey Business

all seasons in one day

Hindi ko alam kung kulang pa ba ang sahod ng mga call center agents at mega business ang mga tao dito sa operations. In fact, mas madami pa sa mga christmas decor dito sa floor ang mga negosyante.

Baby Gurl aka Kim Chiu

From chocolates to colognes and lotions, yan ang product line ni Baby Gurl. Super mabenta si Baby Gurl dito sa floor. Lahat ng ka-pandion nya tungkol sa business. Habang nagcacalls, super daming lumalapit para bumili ng Bath & Body Works at Victoria's Secret. Yung iba naman, para bumili ng chocolates. Nagkakasakit na nga sya sa kakatinda pero gora pa rin. Naikwento pa nga ni Pedra, na minsan lumalapit pa sa kanya ng mga buyers para magpaalam na lalapit sila kay Baby Gurl. O diba? In fairness, original at high quality talaga lahat ng goods nya. Ako nga ang dami ko na nabili. hehehe

Anyway, isa sa mga competitor ni Baby Gurl ang boylet na malago ang buhok na lagi na lang pangatlo sa lahat ng bagay. Feeling nga ni Baby Gurl, pinipirata ang mga customers nya. Kanina, nagulat ako sa new found confidence ni Baby Gurl. Dialog nya : " Sorry sya, akin ang market na ito. Ako pa rin ang pinakamagandang agent sa floor". O diba?? ang taray!

Jenna

Wala kaming kamalay malay na may budding tindera pala sa pagkatao ni Jenna. Kahapon, mega patikim ng banana cake ang bakla. Ang sarap at mega moist ang cake. Gawa daw ng nanay nya. 3 dyas in advance and order. Affordable pa! Imagine, P120.00 lang ang isang box. Winner!

  • ****

Hay... mahirap talaga ang buhay. Ako nga, mega benta ng Avon at M & Co.. Nagpapaorder din ako ng leche flan, spaghetti at carbonara. Malaki naman kasi talaga ang naitutulong. Pag gipit ka, at least may madudukot ka pa rin kahit papaano. tsaka mabuti na rin na habang bata pa tayo at malakas, ay kayod ng kayod. Para in the future, aanihin na lang natin ang mga itinanim natin.

Posted by csadviser 04:53 Archived in Philippines Comments (1)

(Entries 1 - 5 of 5) Page [1]