A Travellerspoint blog

November 2009

The day I turned thirty

and everything else in between

sunny

Grabe ang tagal ko na hindi nakapag blog. Kasi ba naman, super ipinagmamalaki ng WFM at QA na may screenshots na. So mega natakot ang lola mo, nag lie low sa blogging.

So I turned 30 last Friday. Masaya sya because I spent it with the most important people in my life >>> TSA and Chocoboy.

Tulad ng sinabi ko sa last entry ko, feeling teeny bopper ako. nanood kami ng New Moon. I loved it. The book came to the big screen. Unlike the first one Twilight, this one is very close to the book. Nagustuhan sya ni TSA at Chocoboy. Nagyon gusto na din nila mapanood ang Twilight. Love nila si Jacob. Niloloko nga ako na sila daw werewolves at ako ang kalaban dahil vampire ako.

new-moon-p..92x1024.jpg

Tanong ni TSA, "Bakit ba gusto mong maging vampire?"

Sagot ko " Kasi hon, pag naging vampire ka, you will become your most beautiful. And beautiful you will remain in eternity."

"Naoobssessed ka na talaga sa pagpapaganda, yun lang pala dahilan mo. Astig kaya yung werewolf kaysa vampire", sagot nya.

"Di lang naman yung pagiging maganda, pati powers", bawi ko. Hehehe

Thank you sa lahat ng bumati. Atkay TSA at Chocoboy, thank you sa surprise ninyo at sa mga gifts. Love you both.

Posted by csadviser 06:40 Archived in Philippines Comments (1)

4 days before 30

all seasons in one day

ist2_24119..ster150.jpg

Four more days and I will be turning the big three - zero. Yup, you read it right. I am turning thirty!

I honestly don't feel ancient, if that is an apt description. I am beginning to think that age is just a way for us humans to categorize ourselves and everything else on this planet.

Apart from the vacation leave I filed (to ensure I won't have to work on my big day), I don't have anything planned at all for Friday. Who knows? I might end up doing a big pile of laundry or maybe I will just look in the mirror all day and wonder how I can stop myself from aging.

I have heard somewhere that aging is one the things that women fear the most. I used to laugh at this. I mean, how preposterous! To be afraid of something that is beyond your control.... But fate had the last laugh - because here I am scared of looking like an old rotten piece of tree.

I literally spend hours in front of the mirror. Constantly in search of new wrinkles, new spots. I have spent a lot of money on facial regimens. I have facial scrubs and washes. Serums, creams for the morning and creams for the evening. I also have toners and eye creams.

Everytime I bring out my arsenal of products, I avoid glancing towards TSA's and Chocoboy's direction. I am sure they are baffled as to what brought on my sudden beauty consciousness. But try as I might, I cannot, for the life of me put a stop to it. I am hooked. Hooked on the idea that there really is a fountain of youth, and that they are in those expensive little bottles I have acquired.

I still believe though that age is a state of mind. That is probably why even though I told myself i would start dressing more appropriately for my age, I still hang on to my Chucks, and for my birthday celebration, TSA, Chocoboy and yours truly are going to see New Moon. A romantic vampire flick for the thirty year old.

Maybe I cannot stop the wrinkles and age spots from showing. But I'll be darned if I let my heart grow old.

Posted by csadviser 11:24 Archived in Philippines Comments (1)

Testing the Presidentiables

and other candidates

Sobrang dami na ng mga commercial ng mga kumakandidato.

Star-studded ang kay Noynoy Aquino.

Di ako na-impress sa commercial no Chiz Escudero.

Parang MMDA advert lang ang kay Bayani Fernando.

Ang pinaka innovative at madami ay yung kay Manny Villar. Maraming version. Madami syang jingles na catchy. At syempre, sa lahat ng mga commercial nya suot nya ang trademark orange polo shirt.

Siguro naka orange ako kaya naisipan ko na isulat ito. Joke!

Anyway, sa bawat Manny Villar ad, may number na pinapakita na puede monmg kontakin pag kailangan mo ng tulong. Syempre pa, si TSA sinubukan. Sabi nya titignan nya kung magrerepely si Villar.

Nagtext si TSA na kung interesado si Villar na rentahan ang bakanteng lote sa harap ng village na tinitirahan namin. Binanggit nya na may waiting shed dun at puedeng maglagay ng tarpaulin para sa kanyang kampanya. Sinabi din ni TSA na gagamitin ang renta para sa mga ilaw sa mga poste ng buong village.

Maghapon naghintay si TSA na magtextback si Manny Villar. Negative.

Kinabukasan, nagulat na lang ako ng excited na lumapit sa akin si TSA. Nagreply ang Villar. Actually, yung text message naman ay feeling ko standard reply sa lahat ng mga nagtetext. Binigay dun ang address ng opisina ni Manny Villar at ineengganyo ang texter na sumulat at ilagay ang lahat ng detalye upang matulungan ng maayos at tama. Pero ang point dun, nagreply diba? So kudos to you Mr. Manny Villar. Naway matulungan mo lahat ng magtetext at susulat.

Posted by csadviser 12:49 Comments (2)

The Tale of the Rice Cooker

storm

So nag-aya si TSA sa SM Fairview kanina. Gusto nya daw ako ibili ng contact lens kasi naaawa sya sa akin na parang bulag pag walang salamin. Syempre, sama naman ako.

Pagdating sa Executive Optical, excited akong tumingin ng contact lens. Ang gusto ko ay yung hazel brown o kaya gray para may pagka Asian pa rin ang dating ng lola mo. Pero si TSA ang gusto blue. Si Chocoboy naman green. Ang ending??? Heto, light blue na mata ko. :) Medyo naasiwa nga ako sa kulay dahil feeling ko para akong vampire. Pero sabi naman ni Chocoboy, uso naman ang Twilight kaya okay lang. At tsaka, nakakatuwa si TSA. Sabi nya talaga "Hon dual purpose ang contact lens. Nakakakita ka na ng maayos, fashionable pa. Ang dami ngang may gusto na maging kulay blue ang mata". O diba??? Sold!

Nag grocery na din kami ni TSA after kong makakita ng maayos through blue colored eyes (at para magamit ang sodexho). Sabi ni TSA bumili daw kami ng rice cooker. So nagpunta kami sa appliance section. Ang tagal namin nag aabang dun. paano ba naman nag iisa lang ang staff. At nung nakapili na kami ng rice cooker, may inaassist pa sya na bumibili ng component with matching amplifiers. Syempre, nahintay na ang kami ni TSA ng maayos sa gilid. Halos 5 minutes na kaming nahgigintay ng may lumapit na isa pang customer na hawak ang electric kettle na napili nya. Etong nag-iisang staff biglang tumawag ng kasamahan sabay sabing iassist daw. Syempre, nainis ako. Sabi ko talaga: "Excuse me, kanina pa kami dito tapos uunahin mo yung isa dahil lang bitbit nya yung electric kettle!"

Dedma ang nag iisang appliance staff.

Lalo akong nahighblood.

"Excuse me, nasan ang manager mo? Ang laki laki ng appliance center tapos ikaw lang ang staff? "

Natulala ang nag iisang appliance staff. "Mam ...

Actually yun lang ang nasabi nya. Dialog na naman ako. "Kanina pa kami dito, uunahin mo pa yung ibang tao."

Mega pigil sa akin ang TSA. Sabi pa nya "Hon, di nya kasalanan. Mag isa lang sya."

Sumagot ako: "Hindi nya kasalanan na mag isa sya. Ang kasalanan nya, inuna nya pa yung iba. Parang hindi tayo nasa customer service".

Biglang mega asikaso ang nag iisang appliance staff sa amin. Nilabas nya agad ang rice cooker from the box at pinakita na gumagana ito sa amin ni TSA.

"Mam, eto po umiilaw at umiinit na sya", sabi nya.

Dedma.

Tumingin sya kay TSA. "Ok na yan. Sige balik mo na sa box. Kunin na namin".

"May warranty ba yan?" mataray kong tanong.

"Meron po Mam, 1year", sagot nya.

"TSA, may warranty ba?", tanong ko ulit. Deadma talaga ang nag iisang appliance staff.

"Hon, meron nga", sagot ni TSA.

So binayaran na namin. Sabi ni TSA, "Hon wag ka naman irate, kawawa yung tao. Mag isa lang sya."

"Hon, okay lang sa akin maghintay. Naiintindihan ko. pero yung biglang may unahin sa atin dahil lang bitbit yung electric kettle, mali yun. Eh kung alam ko lang na yun ang basehan nya ng uunahin na customer, eh di sana binitbit ko na yung rice cooker!"

"Hay naku hon, irate customer ka", comment ni TSA.

  • ************

Pagdating sa bahay, ginamit agad namin ang sinabing rice cooker.

kasabay nang pagluluto ng bigas, gumayak na ako for work.

Habang nagbibihis ako, sinabihan ko si Chocoboy na ibabaw yung ulam sa kanin. Sabi ko pa "Nak nilagay ko na sa platito yung gusto mong ulam, patong mo na lang sa kanin para uminit."

"Opo", sabi no Chocoboy.

Finally, dinner na. Pagbukas ko ng rice cooker, Nakabuhos lang ang giniling sa ibabaw ng kanin. My gulay, tinanggal ni Chocoboy sa platito at itinaob sa kanin. Ang oily super ng rice. Daig pa ang 3 day old na fried rice.

"Sabi mo ilagay sa ibabaw", defensive na sagot ni Chocoboy.

"Nak sa susunod wag mong tanggalin sa lalagyan ha. Ipatong mo lang."

Nagpapasalamat na lang ako at hindi sinigang ang pinapababaw ko sa kanin kay Chocoboy.

Oh no! May sumpa ata ang rice cooker!

Posted by csadviser 12:00 Archived in Philippines Comments (4)

Team Building --- Pedra style!

What happens in Zambales, stays in Zambales

sunny

Super fun team building...

crystal.jpg
Crystal Beach Zambales

sign.jpg

pagong_joco.jpg

supi_feed.jpg
looking after the animals...

feed.jpg
anne curtis and kim chiu feeding program

cook.jpg

joaquin.jpg
tao naman ang feel pakainin ni joaquin at pedra ...

talong.jpg
sana inuna kami ni scarpetta... talong na lang tinira namin....

lawi.jpg
time for love...

yul_servo.jpg
cha and yul servo... cutest couple ever!

up.jpg
parang palosebo lang..

exfoliate.jpg
exfoliation care of anne curtis

sunset.jpg
Sexy naman.... haaayyyy

sexy_back.jpg
Mas sexy ....

bangkay.jpg
huwag mong buhayin ang bangkay....

rosa_1.jpg
iba talaga ang epekto ng hangin kay rosalinda...

rosa2.jpg
eto pa!

rosalinda_baliw.jpg
naku natuluyan na ata!

lasing.jpg
mga lasing na...

nles.jpg
NLEX stop pauwi....

Super fun talaga. Until next time!

Posted by csadviser 23:09 Archived in Philippines Comments (5)

(Entries 1 - 5 of 5) Page [1]