A Travellerspoint blog

October 2010

The Last Week of October

all seasons in one day

Madami-daming nangyari this week. May exciting, meron ding not so exciting.

Kahapon, sinuot ko ang bago kong flat shoes. Bongga talaga sya. Madaming pumuri na maganda, pero 1 oras ko pa lang suot, masakit na paa ko. Kinailangan ko tuloy pumunta sa clinic para manghingi ng band aids.

bandaid.jpg

Pagbukas ko ng pinto sa clinic, nagulat ako sa nagkalat na mga gamot. Pagtingin ko sa gilid, nagulat na lang ako na yung nurse ay naipit ng punong-puno na filing cabinet na bumagsak sa kanya. Biglaan tuloy akong naging hero of the day. Galing noh? Kaya pala pinasuot sa akin ni Lord yung shoes. Ang ending? Binigyan ako ng maraming band aids ng nurse with matching Strepsils (akala nya ata voice account ako). Sinabihan pa ako na ililibre nya ako. hehe

  • **

Last week pala, nag Technical training ako. So, hindi na ako puedeng mag transfer ng technical emails. I am now equipped to answer them. Char! Ang galing ng trainer namin. Si Ian Barker from the UK. Pag nga pumikit ka, parang si Russell Crowe yung nagtuturo. May twang. Hanep sa accent.

  • **

Yung mga aso, kasama na ulit namin matulog sa second floor. Halos di na ako makagalaw sa kama. Paano ka ba naman makakakilos kung 5 aso ang katabi mo diba? Ang daya nga ni Chocoboy, hinarangan yung room nya para hindi tumabi sa kanya yung mga doggies.

  • **

Mega effort ang Melwood ngaiong Halloween. Bongga talaga ang kapaligiran. Panay sapot, may mga ghosts na nakabigti, may mga pumpkins at ang pinakamalupet, mag giant gagamba.

Iba-iba ang theme ng bawat grupo. Merong Grease, Nightmare before Christmas, basta Horror at Twilight. Nakakatuwa din kasi yung ibang mga employees dinala ang mga kiddies nila para sa trick or treat. Ang bobongga ng mga costumes. I will post pics during the weekend.

Posted by csadviser 04:55 Archived in Philippines Comments (1)

First time

all seasons in one day

bite2.jpg

Ngayong 30 na ako, akala ko wala nang mga "firsts" sa buhay ko. Pero, nagkamali ako. Isang first time experience ang nangyari sa akin ngayon - nakagat ako ng aso.

Weird noh? Sa tanda ko na to, makakagat pa pala ako ng aso. Si Greggy.

Nag-aaway kasi sila ni Dwyane. Nag-aagawan kay malandi na Charcoal. Yung liit na yun ni Greggy, talo nya si Dwyane. So inawat ko. Kinarga ko si Greggy. Ito namang si Dwyane, biglang tinalon at kinagat si Greggy. Gumanti. Siguro dahil naramdaman nya na yun na yung pagkakataon nya. Syempre, nasaktan si Greggy, so nung lumban sya (habang karga ko), ako ang nakagat. Meron sa braso at yung mga daliri ko.

bite.jpg

Hindi naman ako nagalit sa mga aso ko, lalo na kay Greggy. Di naman nila yun sinasadya. No matter how much we treat them as family, they are still animals that rely on their instinct.

Masakit nga lang yung kagat. Namamaga nga. I am just thankful na kumpleto ang shots ni Greggy, at ng lahat ng aso namin. Kaya nga ngayon, pag nag-aaway sila, sinasabihan ko na lang "Tama na". Wala na akong planong mag referee. Panonoorin ko na lang sila o kaya tatawagin ko si TSA, sya naman ang umawat.

Posted by csadviser 18:12 Archived in Philippines Comments (1)

Si Ghost Nun at ang Bobong Driver

Mga pangyayari pag madaling araw...

all seasons in one day

Hindi ko alam kung goal ba talaga ni TSA na takutin ako. Lagi na lang ako sinasabihan ng mga scary stories. Alam naman nyang madaling araw ang uwi ko.

Nung nasa 24/7 pa ako, kwento nya na yung malaking bahay malapit samin (4 houses before our house), mayroon daw white lady. Matagal na daw kasi walang nakatira. Nasa US ang may ari. Kaya ang nangyari, pag pauwi ako dun, nakatingin ako sa kabilang kalye. Or nakayuko, malayo ang tingin. Gagawin ko lahat wag lang malingon sa bahay na yun.

Two nights ago, may bagong panakot na naman si TSA. At around 8 pm daw nung Tuesday, nakasalubong ng teacher naming kapitbahay ang isang madre. Binati pa nga nya "Good evening po Sister". Deadma. Hindi pinansin ang teacher. Diretso sya ng paglalakad. Maya-maya, naramdaman ni teacher na parang may sumusunod sa kanya. Paglingon nya, yung madre! At bigla daw nagsalita "waaaaaah"... Yung parang garbled lang na kung ano ano na hindi maintindihan. Pang horror daw talaga. Syempre, kumaripas ng takbo si teacher.

400135-large.jpg

Medyo nainis ako na nagkkwento ng ganito si TSA. So ang ginawa ko, inobliga ko sya na sunduin ako sa gate ng village tuwing 12:30am. At least, kung lumitaw man si Sister, sila muna ang mag-uusap.

Kamalasan, yung nasakyan ko kahapon, ibinaba ako sa Tungko. Napilitan ako sumakay sa jeep na naghintay pa na mapuno. No choice talaga ako, so naghintay. After twenty minutes, sa wakas umandar ang jeep. Siguro 100 meters mula sa village biglang nag u-turn ang jeep.

Sinita ko ang driver "Bakit babalik?"

"Magpapagasolina kasi baka di ako makabyahe pabalik", sagot nya.

Hindi na ako umimik. Wala naman akong magagawa. Pero makikita mo na restless at bwisit na din ang lahat ng mga sakay. Sa wakas, bumyahe na ulit ang jeep.

Isang kanto bago yung bababaan ko, nagsabi na ako "Sa Citiville lang".

laking gulat ko ng tuloy tuloy lang ang andar ng jeep. Walang pakialam ang driver. Nagtitinginan ang mga sakay. Hindi ako nakapagpigil. Sumigaw ako. "Citiville diba!"

Biglang huminto ang jeep. "Lagpas na ba?", pang-iinis na tanong ng driver.

Lalong nag-init ang tenga ko. "Kumain ka ng gulay. Bobo!"

Natulala ang lahat. Tapos nagtawanan. Ako naman, bumaba ng jeep at padabog na lumapit kay TSA. Sana pala hindi na ako nagpasundo. Sa akin matatakot si Ghost Nun kung nakasalubong nya ako kagabi.

Posted by csadviser 06:17 Archived in Philippines Comments (1)

Ang alamat ng lechon

At ang pagbabalik ni Greggy

all seasons in one day

Kahapon, tuwang tuwa kami ni Chocoboy naang natanggap namin ang text ni TSA na pauwi na sya at may dalang lechon. Sa sobrang excitement namin, kahit nakapagdinner na kami, nagsaing si Chocoboy ng 4 na gatang. Sigurado daw kasi na madami kaming makakain.

Grabe talaga kami ni Chocoboy. Sinundo pa namin si TSA sa gate ng village. Kasama pa namin si prinsesita Charcoal.

Pagbaba ng bus ni TSA, ako na ang nagbuhat ng bag. Ang bigat! "Wow, sabi ko sa isip ko, daming lechon. Mukhang makakapag paksiw pa ako bukas". Hehehe Ang saya ko talaga.

Pagdating sa bahay, sabi ko agad kay TSA, "Wait lang hon, iniinin pa yung kanin. Pero malapit na yun maluto."

"Sige buksan mo na yung plastik. Yan yung lechon", sabi nya.

Napasigaw ako nung nabuksan ko yung plasktik, "Ano to???"

Tawa ng tawa si TSA. "Lechon".

Lechon nga. Tinapay na hugis lechon.

Greggy's Homecoming

Dala din kahapon ni TSA si Greggy.

Si Greggy ang dachshund ng parents nya sa Caloocan. Eh matanda na at super kulit pa rin daw. Isa pa, sabi ng byenan kong lalake, masyado daw religious - religious sa anti-reproductive health bill.

Napatunayan naman agad. Wala pang two minutes sa bahay, panay ang kintod ni Greggy kay Char. Hindi din kami nakatulog ng maayos kasi panay ang habol nya kay Charcoal. Feeling ko talaga, mabubuntis ang baby Charchar ko.

Posted by csadviser 04:50 Archived in Philippines Comments (2)

Rest well Miko

all seasons in one day

miko.jpg

September 16, 2010 did not start well for us. Miko, one of our dogs died at around 2am. TSA found him by the foot of our stairs. Nalaman ko ang balita through text. As usual, I was at work.

Syempre, malaking kalungkutan ito sa amin, Napakaliksi ni Miko. At napakalakas kumain. Sabi nga ni Chocoboy, yun ang trademark ni Miko, Super lakas kumain.

Tuwing pinapakain ko nga ngayon sila Hello at nakikita ko na may natitirang lugaw, naiisip ko si Miko. Dahil siguradong ubos yun kung nandun si Miko.

mik3.jpg

Sabi ng mga matatanda, pag may sakit ang amo, sinasalo ng mga alagang hayop. Naniniwala kami na ganito ang nangyari. Wala naman kasing sakit si Miko. Super liksi nun. Panay ang talon, panay ang pag-iingay. Ang paglalambing nga nun, umaangil sa tuwa. Weird noh? Pero yun ang isang dahilan kung bakit memorable sya. Kakaiba talaga syang aso.

5mikmik.jpg

Halos isang buwan na rin may sakit si TSA nun. Nagulat na lang kami na nung bumubuti yung pakiramdam nya, sya namang pagtamlay ni Miko. Kahit anong lambing namin, hindi kumikilos. Nung namatay pa si Miko, tumawag ang parents ni TSA. Ilang gabi na daw nila napapaginipan si Miko. At yung panaginip nila, may sakit daw si TSA at ang ginawa ni Miko, tinatabihan si TSA para malipat sa kanya. Umiyak nga si TSA. At dun lang din nya nasabi na wala na nga si MIko.

mik.jpg

Someone once told me "When a pet dies, they go straight to heaven. There they will prepare the house for you. So that when you come home to God's kingdom, they will be there to welcome you". Pagbutihin mo dyan sa langit Miko. We love you.

Posted by csadviser 05:47 Archived in Philippines Comments (3)

Bad Commonwealth!!!

Muntik na akong ma-TV Patrol

all seasons in one day

Araw-araw na lang, nasa balita ang Commonwealth. Laging may road accidents. May nasagasaan, may nagkabanggaan. I remember two weeks ago, may na gang rape pa nga dahil ahabang nag aabang ng sasakyan sa Commonwealth, pilit na isinakay yung babae sa isang van.

drifting.jpg

Kaya nga si TSA, laging nagbibilin na mag-iingat daw ako. Lalo na pag gabi ang uwian. In fairness naman sa akin, alert ako. Minsan nga na mag-isa lang ako pauwi, talagang kinakausap ko muna ang mga guards para makapag-radio sila sa mga kasamahan nila. Gusto ko kasing makasiguro na may guard sa magkabilang dulo ng overpass. Meron naman. hehe

Kahapon kasi, naisipan ko mag overtime para hintayin si Annecheng. Nagtaxi kami pauwi. Nagulat kami ni Annecheng na hindi nag u-turn si Manong Driver papuntang Fairview. Nung sinita namin, igiinilid ni Manong Driver ang sasakyan at nag-iisip kung iaatras nya ba o idederetso na lang yung taxi. Habang nakahinto yung taxi, nagulat na lang kami na marinig na may kotse na nawalan ng control. Kasunod lang namin. Talagang nakita namin na umikot-ikot yung sasakyan papalapit samin. Parang drifting. Natulala talaga ako. Hawak ko si Annecheng. Sabi nya ang higpit nga daw ng kapit ko sa kanya at hinihila ko sya papalapit sakin.

Mabuti na lang at hindi umulan kahapon. Tuyo yung kalsada. For some unexplainable reason, hindi kami tinamaan. Himala talaga. Pero natakot kami ni Annecheng. Pinagpawisan kami kahit malamig sa taxi. Thank you Lord for the second chance.

Posted by csadviser 08:25 Archived in Philippines Comments (2)

Halo

I really like this song...

rain

halo_2.jpghalo.jpg

Remember those walls I built
Well, baby they're tumbling down
And they didn't even put up a fight
They didn't even make up a sound

I found a way to let you in
But I never really had a doubt
Standing in the light of your halo
I got my angel now

It's like I've been awakened
Every rule I had you breakin'
It's the risk that I'm takin'
I ain't never gonna shut you out

Everywhere I'm looking now
I'm surrounded by your embrace
Baby I can see your halo
You know you're my saving grace

You're everything I need and more
It's written all over your face
Baby I can feel your halo
Pray it won't fade away

I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo

Hit me like a ray of sun
Burning through my darkest night
You're the only one that I want
Think I'm addicted to your light

I swore I'd never fall again
But this don't even feel like falling
Gravity can't forget
To pull me back to the ground again

Feels like I've been awakened
Every rule I had you breakin'
The risk that I'm takin'
I'm never gonna shut you out

Everywhere I'm looking now
I'm surrounded by your embrace
Baby I can see your halo
You know you're my saving grace

You're everything I need and more
It's written all over your face
Baby I can feel your halo
Pray it won't fade away

I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo

I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
Halo, halo

Everywhere I'm looking now
I'm surrounded by your embrace
Baby I can see your halo
You know you're my saving grace

You're everything I need and more
It's written all over your face
Baby I can feel your halo
Pray it won't fade away

I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo

I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo
I can feel your halo halo halo
I can see your halo halo halo

Posted by csadviser 01:24 Archived in Philippines Comments (0)

The Evil Lola

Age does not equate to respect

sunny

angry-old-lady.jpg

As I have mentioned before, I am making a conscious effort to become a better individual. Pero narealize ko na talagang madaming gagawing paraan si Lucifer para magkasala ka.

Isang magandang halimbawa ang nangyari kanina. Nagwawalis ng bakuran nila ang kapitbahay namin na si Evil Lola. Si TSA naman, sumilip sa bintana at nagkataon, nakita nya na lahat ng nawawalis ni Evil Lola na dumi, sa bakuran naming tinatapon! Syempre, sinita ni TSA.

Sabi nya “Nay, baka po puedeng wag nyo sa amin itapon yung kalat”.

Nagulat na lang si TSA nang biglang nagtatalak ang matanda. “Araw-araw ako nagwawalis dito, kinakalatan nyo”. Yung mga aso nyo, dito nagdudumi”.

“Hindi po kami nagtatapon dyan. Tignan nyo bakuran namin, may basurahan kami”, sagot ni TSA.

Tinignan ko kung ano ba yung nangyayari. Naabutan ko na nagcocomment si Evil Lola ng “Hindi dapat kayo nakikipagtalo sa matanda. Wala kayong galang”.

Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Sinagot ko talaga:

“Hindi porke matanda, irerespeto. Dapat maging karesperespeto ka muna”.

Totoo naman diba? It is ironic na nahuli na nga na gumagawa ng mali, kami pa ang sinermonan ni Evil Lola. Respect is EARNED. Hindi porke mas matanda ka, puede mo nang gawin ang lahat ng gusto mo kahit nakakasagasa ka na ng kapwa mo. Iba na ang mundo. Hindi ito panahon ng Kastila na walang karapatan magsalita ang mga bata.

Nakakainis talaga. Itong Evil Lola na ito, panay pa ang church kuno. Hello! Kilabutan ka naman. Hindi sa pagsisimba nakikita ang kabutihan ng isang tao. Pala-simba ka nga, hindi mo naman isinasabuhay ang mga sermon, balewala rin. Mas mabuti pa na huwag magsimba kaysa sa nagpapakaplastik ka na relihiyoso ka. Mahiya ka naman sa Diyos.

Posted by csadviser 02:39 Archived in Philippines Comments (0)

Too cute not too share...

all seasons in one day

someone asked a 4 year old what love is and he answered:

"when someone loves you, the way they say your name is different..you just know that your name is safe in their mouth."

Posted by csadviser 09:21 Archived in Philippines Comments (0)

Of Vampires and Werewolves

overcast

Mula ng nauso ang "Twilight", lahat na lang nakikisakay sa mga bampira at werewolves. Nandyan ang Channel 2 na gumawa ng Lobo, at ngayon naman Imortal.

imortal.jpg

Natatawa lang ako kasi pati byenan ko na more than 70 years old na mega comment ng "Itong Imortal, tinagalog lang na Twilight". Oha??? Saan ka pa? Nagbabasa pa ng Twilight Series ang byenan ko. Panay nga ang tawa ni TSA.

Pero sa totoo lang, nakakasawa na. Pati nga sa States, merong True Blood at Vampire Diaries. Ganun pa rin ang theme.

Wala na bang ibang maiisip na konsepto?

Sabagay, bakit pa ba ako nagtataka? Eh yun ngang Glee, ginaya din. Nauna ang super baduy na Diva ng GMA 7 at ngayon naman Idol ng Channel 2.

Sa lahat naman talaga ng bagay, the original is always the best. At kung vampires lang din ang pag uusapan, hands down panalo ang mga vampires ni Anne Rice. Kay Lestat pa lang, siguradong patay ang Edward Cullen.

Posted by csadviser 04:41 Archived in Philippines Comments (1)

(Entries 1 - 10 of 13) Page [1] 2 » Next