A Travellerspoint blog

April 2010

Mad Day

sunny

This day did not start well at all.

Hindi pa sumisikat ang araw, may inaway na talaga ako. Before 5am naghihintay na ako ng bus sa may bus stop malapit sa tinitirahan kong village. Every Monday to Friday, that is my schedule. Kilala na nga ako ng driver at conductor ng bus. Minsan nga tinatanong nila ako kung matagal na akng naghihintay. Frequent customer. Valued customer.

So kanina, tuwang tuwa ako ng matanaw ko na parating ang aking regular bus. Nagulat na lang ako ng biglang may nakipag unahan na bus at hinarangan ang waiting shed. Super tagal nya huminto dun at humarang sa waiting shed, hindi ka makakaalis. Busina ng busina ang bus driver para malaman kung may sasakay. Pero hindi ako makaalis sa pwesto ko dahil sa pesteng jeep. Umandar na tuloy ang bus. Nag init ang ulo ko. Nagsisigaw tuloy ako "Putang-ina kasi, hindi ka naman pinapara, hinto ka ng hinto. Leche!" Pinaandar na ng jeepney driver ang sasakyan nya, pero hindi pa rin ako tapos. "Leche ka talaga." Grrrrr

mad.jpg

Nung nakasakay na ako ng bus (na hindi byaheng Ayala), mainit pa rin ang ulo ko. Talagang kung nakakamatay lang ang mura, patay na si Manong Driver.

Buti na lang at nabasa ko ngayon ang blog ni Sisterette Addy. Bongga ang mga pics. Nainggit ako, mega ride sya ng camel.... Hay...

Posted by csadviser 21:56 Archived in Philippines Comments (2)

(Entries 1 - 1 of 1) Page [1]