A Travellerspoint blog

March 2010

Locked out

overcast

Something unexpected happened last night.

As usual, nasa NoyNoy-Mar campaign headquarters si TSA kahapon. At around 7pm, nagtext sya na pauwi na daw sya. Syempre, excited ako dahil minsan na lang kami nagkikita. Imbes na matulog at 8pm, like I usually do dahil sa aga ng pasok, nagpunta ako sa terrace ng 2nd floor with all the doggies (Hello, Dwyane, Penny and Charcoal). Sumunod si Chocoboy sa terrace.

Nung 30minutes na kami sa terrace at wala pa si TSA, sinabihan ko si Chocoboy na kunin ang cellphone para matext si TSA at malaman namin kung nasaan na. Nagulat ako ng biglang bumalik si Chocoboy para sabihing na lock out kami sa terrace.

Hay naku, eto palang si Chocoboy sinara ang pinto, eh nag aautomatic lock yun.

Pinagsisipa ko ang pinto. Wa epek liban sa sumakit ang paa ko. Sinubukan kong abutin..nilusot ang mataba kong braso sa bintana... Hindi pa rin umepek.

Kaya ayun, dinatnan ako ni TSA na nangangatog at gutom sa terrace. Si Chocoboy naman nasa baba na at nakatingala sa akin.

Nagtawag si TSA ng neighbors / basketball buddies nya na mahaba ang galamay... Ang mga aso ay isa isa kong inaabot kay TSA para makapag stay na sila sa baba at para hindi sila magwala pag may ibang tao na umakyat sa terrace. Panay ang iyak ng Charcoal... Akala ata di na ako makakaalis sa terrace.

Nung una, sinubukan sungkitin yung lock, pero talagang ayaw. So ang ending, sinipa ang pinto. Wasak ang lock at ang door frame. Hay, gastos...

Posted by csadviser 21:31 Archived in Philippines Comments (2)

March events

a month after my departure from T-Mobile

all seasons in one day

I am sick.... Two weeks na ako pabalik-balik ang lagnat, inuubo at sinisipon. Hinihingal na din ako, medyo kinakapos ng hininga.

Pero kahit may sakit, mega pasok pa rin ako. I know, I know, super out of character for me. Hay, mega ubo at singa ako, pero hindi ako nahihiya sa mga kasamahan ko. Pati nga boses ko, nag iba iba na. May araw na boses babae, at minsan boses lalake. Pero last Friday, hindi ko na talaga kinaya. Masyado na mataas lagnat ko para pumasok, at sinabayan pa ng malakas na ulan kaya hindi na talaga ako nakapasok.

sick_resize.gif

Nagpunta ako ng Medicard kasama si Chocoboy para magpacheck-up. I was diagnosed with Upper Respiratory Tract Infection (URTI). Unfortunately for me, one of the bad (really bad) effects URTI has been giving me is bouts of asthma attacks. Kaya pala nahihirapan ako huminga, hinihika na din pala ako. Tapos, sabi pa ng aking Doctora, ito din daw ang dahilan ng high blood pressure ko. For the first time sa pamumuhay ko sa mundong ibabaw, nahigh blood ako. Kainis.

Madaming nireseta na gamot. Isang antibiotic na malaginto ang presyo, merong pang expel ng phlegm, may mga vitamins (never kasi ako ng vivitamins), at kung ano ano pa na pang maintenance. Sinabihan din ako na uminom ng maraming liquids. Preferably a glass of water every hour.

Pero eto, I am back at work. Nakakatuwa naman kasi dito sa opisina, laging may eksena. kagandahan pa ang mga bago kong friends. Sa totoo lang. Anyway, sa ibang entry ko na lang sila ikkwento. With matching pictures pa.

Honga pala, napaginipan ko si Tatay nung isang gabi. Medyo weird nga. Hindi ko alam kung may ipinapahiwatig sya na tinatawag nya ako or nagpapadalaw. I don't know, he just seem so sad.

Basta paalis ako ng bahay, tapos nandun si Tatay. I assured him na babalik ako agad. He nodded, pero parang naluluha sya. Ang sumunod na sequence sa dream ko, I was out with friends tapos gabi na, alam kong kailangan ko nang umuwi pero ayaw ko pa. Gumagawa ako ng dahilan para hindi umuwi. Bumili pa nga ako ng ice cream at mabagal kong kinakain para ma-delay ang pag uwi ko. Pero habang naglalakad ako sa Ayala Avenue, bigla ako napunta sa may Solis (ganun naman talaga sa mga panagnip diba?). Gabing gabi na yun tapos nakita ko si Tatay kasama si Jeff (pinsan ko) na naglalakad sa gitna ng kalsada. Pagewang gewang sya sa paglalakad. Bigla ko narealize na nung nagpaalam ako sa kanya, hirap na hirap syang makita ako. Malabo na yung mata nya. Tumakbo ako papalapit kay Tatay habang sumisigaw "Tatay, Tatay". Umiiyak na ako. Takot na takot ako na baka masagasaan sya dahil nasa gitna na sya ng kalsada at hindi sya macontrol ng pinsan ko. Nung medyo malapit na ako, biglang lumingon si Tatay, at nakita ko na lumuluha sya. Kitang kita ko rin na tuwang tuwa sya pagkakita sa akin. "Tatay nandito na ako", sabi ko sa kanya. Nginitian nya lang ako at inakap.

Pagkatapos nyan, nagising na ako. Masaya ako at nakita ko si Tatay ulit kahit sa panaginip lang. Pero napaisip tuloy ako, may ibig sabihin ba yung panaginip ko?

t.jpg

I miss you Tatay. At alam ko na kung buhay ka lang, my life would be much happier.

Posted by csadviser 21:03 Archived in Philippines Comments (2)

(Entries 1 - 2 of 2) Page [1]