A Travellerspoint blog

February 2010

The best things in life are free

all seasons in one day

Bago pumasok, nagsimba kami nina TSA at Chocoboy. Natuwa ako kasi ang ganda ng simbahan. Tapos ang galing ng pari. Ineencourage nya ang mga church goers na mag participate. Kaya, active ang lahat at nakikinig.

Binanggit kanina na ang lahat ng tao, aminin man natin o hindi ay ipinanganak na may innate desire to have more. Magkaron ng mga pag aari na mas maganda, mas malaki , mas mahal. Yun kasi ang temptation - manifestation ng devil. Yan ang dahilan kung bakit hindi tayo makuntento.

Hindi naman masama magkaroon ng magagandang bagay. In fact, material blessings are rewards from God. Kapalit iyon ng pagttyaga mo sa trabaho, sa pag aaral ng mabuti. Ang problema, dahil sa paghahangad ng maganda, nawawalan ng saysay yung mga dating pinangarap mo. Tama nga naman diba? Halimbawa sa cellphone, kailan ba talaga makukuntento ang isang tao sa unit nya? Halos lahat meron na ang cellphone - digicam, videocam, tv, internet. Ano pa ba ang kulang? Pag puede na din sya gamitin na kutsara at tinidor?

Dapat, marealize natin na "the best things in life are free". Huminga ka - libre diba? Akap ng asawa mo, halik ng anak mo, akbay ng kaibigan, maligo ka sa ulan. Lahat yan, masarap. Bakit? Kasi libre.

Tulad ng pagmamahal ni Lord. Wala tayong kailangan gawin. Hindi kailangan magbayad, basta mahal Nya tayo. Ginawa na kasi Nya lahat. Nagpapako na sya sa krus. Amen.

Posted by csadviser 08:18 Archived in Philippines Comments (2)

Puerto Galera at mangga

sunny

Hindi gumana ang Citrix ko sa first half ng shift. Nakatingin lang ako sa monitor at naghihintay ng TOMS error. Akala ko nga binura na ako sa database ng T-Mobile dahil sa resignation ko. Pero March 4 pa yun effective. Hay... ok lang naman.. Saya nga eh...

Nakakatuwa din tignan ang mga team mates ko. Excited sila sa Team Building / outing sa Puerto Galera. Hindi ako makakasama huhuhu. Insufficient funds, sabi ng ATM Machine.

Bukas, habang nag eenjoy sa ilalim ng sikat ng araw, nagtatakbuhan sa buhangin at nagtatampisaw sa dagat ang Team Pedra, ako naman ay haharap sa isang bundok ng damit na kailangan ng plantsahin. Dapat ko nang tapusin yun. Habang tumatagal, lalo lang tumataas ang bundok. Yun ang problema sa akin >>> Ang hilig maglaba, ayaw naman magplantsa.

Syempre, bilang consolation... bibigyan ko ang sarili ko ng prize.

Una, plano kong tapusin ang Season IV ng Dexter. For the first time kasi, nakapatay ng inosente ang idol kong serial killer... Exciting.. hehehe

2nd Reward: Bibili na naman ako ng 3 kilo ng hinog na mangga. Super adik na talaga ako sa mangga. Hindi ko maexplain. Sya na lang ang kinakain ko mula breakfast > merienda > lunch > merienda > dinner > merienda. Kung puede nga lang na hindi ako tumigil sa pagkain ng mangga, gagawin ko. Naiisip ko nga baka biglang hindi na lang ako makahinga dahil napuno na ako ng mangga. Hahaha

Kung dati chocolates at double dutch ice cream ang comfort food ko, mangga na ngayon. Grabe ang sarap sobra ng sinangag, scrambled eggs at mangga. Nagugutom na naman ako...

3rd Reward: Kare-kare ang ulam bukas. Tutal 6am ang out ko, dadaan ako ng palengke at bibili ng baka. Aylabit!

Kaya ngayong 201, di na ako umaasang papayat. Malamang lalo pa akong tumaba... Siguro pag wala ng mangga sa mundo. Ah basta...

Posted by csadviser 10:07 Archived in Philippines Comments (0)

Addicted to you...

all seasons in one day

Kahapon, excited akong pumasok dahil ang tagal ko na din hindi nakikita ang Team Pedra. Surprise surprise! Ayaw tanggapin ang username at password ko ng system. Kahit sa pandion (chatroom) nakakakuha ako ng error na members only. Hala! Member naman ako, nagbakasyon lang.

Ang ending? Buong shift ako naka coaching. Nakaupo, naghihintay ng himala na sana gumana sya. At ngayon, hindi na din ako pinapasok dahil hindi pa rin daw maaayos. Pinag VL na naman ako. Akalain mo! Nakulangan pa sa 2weeks vacation teh! Binura na ata ako sa system ng T-mobile dahil magreresign ako. Advanced super! Kaya eto... nandito ako sa computer shop, yaya ng Chocoboy na walang habas sa pagpatay ng mga zombies sa tabi ko. Adik din ----- sa Left for Dead.

Oras na talaga para bumili ako ng laptop. Ang tagal ko na nakatanga lang sa bahay, at super tamad akong lumabas unless super important.

Dami kong ideas for a blog entry, pero ngayon wala na akong maisip. Ano ba ang bago?

Well, last Friday, nahulog ako sa hagdanan namin. Yup, you read it right. From the second floor to the ground floor, kinayod yun lahat ng likod ko. Ngayon, pasa pasa ang braso ko, right side ng likod ko at ang aking derriere. In fairness, masakit. Made me realize, I want a single storey house. hahaha

So, ano ba ginawa ko sa aking two week hiatus?

Syempre, the usual... Laba, plantsa, palengke, luto.

Pero ang pinakamasaya.... DVD marathon!!!

GLEE

glee.jpg

Ewan ko ba kung bakit gusto ko ang Glee. Siguro kasi nga feeling teeny bopper ako at mga high school students ang bida. Pero honestly, ang gagaling ng mga artista sa palabas na ito. Grabe kumanta. Magaling pa sa mga artista dito sa Pilipinas na hindi ko maintindihan at bakit nagka album! Galeng... Tsaka inggit ako super kay Sue Sylvester... lahat ng kulay ng Adidas tracksuits meron sya. Hay, isa lang masaya na ako.

THE TUDORS

Tudors_S2_.._PK_001.jpg

Obviously, I like this because I was an International Studies student, and history was practically jammed down my throat until I learned to love it. Sino pa ba sa English monarchy ang mas interesting kay Henry VIII? Super dami nyang naging asawa. Bukod tangi na hari na pinapugutan ng ulo ang dalawa sa naging misis nya para mapakasalan ang mistress. O diba? Kung ngayon nabubuhay si Henry VIII, I am sure he would thrive. He really lived beyond his times. And best of all, he is the father of England's greatest ruler ever - the great Queen Elizabeth.

DEXTER

dexter.jpg

Dexter is an American television drama series that airs on the premium channel Showtime. Set in Miami, the series centers on Dexter Morgan (Michael C. Hall), a serial killer who works for the Miami Metro Police Department as a blood spatter analyst. The series follows the day to day events of Dexter Morgan's life, who also happens to be a serial killer in his free time. He was taught by his adoptive father, Harry, only to kill those "who deserve it"; mainly, other killers who have escaped the legal system or were never suspected in the first place. It shows him balancing an everyday life with his secret identity all while keeping up a facade of normalcy.

Serial killer na pumapatay ng mga serial killers. O diba? Galing. Naisip ko nga, sana serial killer na lang din ako. Pero feeling ko, wala ako nung self control ni Dexter na bad people lang ang talaga ang pinapatay. Malamang, baka pati mga nakainisan ko lang tepokin ko din... like... wag na lang. hahaha

Posted by csadviser 04:46 Archived in Philippines Comments (1)

Paalam TMUK

all seasons in one day

Tulad ng pangako ko sa sarili ko, nagfile na ako ng resignation. Immediate sya dapat - effective kahapon. Pero di pumayag si Chester at Pedra.

Mega dialog ang Chester "I know you don't want to burn bridges". At nag promise na tutulungan ako sa mga VL at swap basta kailangan ko. Pero di ako nadala...

Pero ibang usapan na nung si Peds ang kausap ko. She pointed out na two weeks na lang ako papasok dahil "on leave" ako hanggang February 14. Sayang nga naman. Tsaka kasi nga, nung nag coaching kami nung January, nag promise ako na hindi mag aabsent ng February.

Ayan... Kainesh...

IMGP0220.jpg

Pero natuwa naman ako kasi may nakuha akong 900 na sodexho for December TOMS. Tapos meron pa daw akong 500 para sa January TOMS at dahil nakapasa ako sa metrics ng January, surprise surprise!!! meron pa akong 1000 na gc ulet... Sana lang makuha ko bago sumahod para tipid... :)

TSA UPDATE

After the Aling Sita incident, akala ko okay na si TSA. But I was wrong. Naka ilang balik pa kami sa mga doktor at regular visitor na sa bahay ang albularyong si Aling Sita. Pero okay lang. Basta gumaling si TSA.

Last week nga medyo nag panic ako dahil while on duty pala, panay ang text at tawag ng mga neighbors kasi dinala na sya sa hospital. Nabasa ko lang yung mga texts, 4am na. Eh wala na din akong pera. Buti na lang si Scarpetta, inabutan ako ng 200. Thank you sobra.

Pagdating sa FEU Hospital sa Fairview, naawa talaga ko sa hitsura nila TSA at Chocoboy. Namumugto na mga mata nila sa puyat at walang nag aasikaso kay TSA. Kwento pa nila, namimilipin na daw sya sa sakit, hindi pa rin sya pinapansin at ni anino ng duktor, hindi nya nakita.

Nilabas ko si TSA ng FEU at nung hapon sa UST naman ang location namin. Naaawa na din ako kay TSA sa totoo lang. Para na syang experiment, lahat ng possible solutions sinubukan na sa kanya. Hindi na nga tumatalab ang oral medication sa kanya. Panay IV na..

Umihi pala sya ng bato na kasinglaki ng 5 centavo coin..

Ngayon naman medyo okay na sya... Ang problema na lang, lagi sya nilalagnat pag gabi.

TEAM PEDRA

IMGP0284.jpg

Straight na ang buhok ni Pedra. Pinagupit nya ang kulot at itinira ang straight.

IMGP0278.jpg

Ang ganda din ng hair ni Cha... Mega straight. Salamat sa sickleave conversion. hehehe

IMGP0280.jpg

May diabetes pa din si Santino...

IMGP0281.jpg

Nagshopping sina 38B/C, Scarpetta at Pokemon sa Divisoria. As usual, ang daming napamili ni 38B/C aka Madam Kimi!

IMGP0221.jpg

Si Joaquin may bagong inspirasyon. Ang bago naming team mate na si Addica. Tsinugi na nya si Bianca Gonzales pagkatapos ng traumatic nyang experience na kung saan muntik syang malunod sa laway.

Nalipat ng team si Miss India. At nagfile na din ng resignation. Like me, nagrerender na lang sya ng 1month notice.

Nag immediate resignation si Spongebob.

Lagi pa rin kaming color coordinated sa damit ni Wenk. Hindi naman namin pinaguusapan pero nagkakataon lang talaga. At habang tumatagal, lalong nagiging kamukha ni Wenk si Coco Martin. Winner!

IMGP0279.jpg

May isa pa kaming bagong team mate ... si Anne. Welcome to our team. Galing sya ng Team Nami, na nadissolve.

IMGP0276.jpg

Si Baby Gurl aka Kim Chiu natupad na ang matagal nyang pinapangarap na iPhone.

IMGP0277.jpg

Natouch ako kay Emo Kid... Umiyak pala sya nung nalaman na magreresign ako. Tsaka love ko talaga yung bigay mo na ipit sa akin.

Hay naku guys, I will truly miss you all. Thank you sobra sa mga kabaitan nyo sa akin. Alam nyo na kung ano yun...

Posted by csadviser 02:27 Archived in Philippines Comments (2)

(Entries 1 - 4 of 4) Page [1]