A Travellerspoint blog

January 2010

The Exorcism of Emily Rose

sunny

Lahat ng nakakakilala sa akin, alam na mahilig ako sa horror films. Kaya nga ng malaman ko na ipapalabas ang Exorcism of Emily Rose sa AXN sa Friday, nilagay ko na agad sa planner ko. Ang dami kasing nagsasabi na maganda.

Yun nga lang, parang hindi na timely ngayon na panoorin ko. Kasi nga diba, two weeks na nagkasakit TSA. KUng ano anong gamot na ang nainom nya at kung sino sinong duktor, pero walang nangyari. Namimilipit na sya sa sakit at tumitirik ang mata. Dumating pa sa point na nagpaalam at habilin na sya. Scary talaga.

Kagabi, habang namimilipit sa sakit, biglaan na lang sinabi ni TSA na tumawag na daw ako ng albularyo.

Eh diba bago lang kami sa neighbooorhood? Isa lang ang kakilala ko. Kaya nagpapasalamat ako at friendly si TSA dahil alam ng mga tao na asawa nya ako at may tumulong sa amin. Tumawag sila ng albularyo sa ibang baranggay pa, at na natuloy ang pagpapatawas ni TSA.

Dun nalaman na na engkanto (o namatanda ba ang tawag dun) si TSA. Nagputol kasi sya ng mga puno ng kawayan at ginawang bakod sa mini garden namin. Yun pala, may nagambala at nasaktan sya na mga unexplained beings dun sa may sapa sa dulo ng subdivision na tinitirahan namin.

Tatlo ang nakita. Isang matanda na nakaupo, na pag binaligtad mo shape ng puno. May matandang babae na may hawak na parang latigo. Sabi ni Aling Sita (albularyo), yun daw ang pinapalo kay TSA kaya masakit. At may isang bata.

Hagang tinatawas si TSA, nung tinutunaw yung kandila, panay ang daing ni TSA na mainit ang buong katawan nya at masakit. Tung pagtunaw sa kandila, sa kanya pala tumatalab.

Yung mga natunaw na kandila, ibinalot sa papel at dinasalan ni Aling Sita at ibinigay sa akin. Ilagay ko daw sa unan ni TSA pag matutulog na sya at itapon agad pag gising nya. Himala talaga, for the first time in two weeks, nakatulog ng diretso at maayos si TSA.

Thank you sobra Lord at pinagaling Mo si TSA. Thank you din kay Aling Sita.

Posted by csadviser 03:50 Archived in Philippines Comments (1)

Thank God for Addy!

Super late na ang entry na ito. Pero sabi nga nila, better late than never.

Gusto ko lang magpasalamat sobra sa best friend ko na si Addy Adiong. Thank you super sis. Siguro nga may nagagawa akong tama kasi binigyan ako ng kaibigan na katulad mo.

Balang araw makakabawi din ako sa lahat ng kabutihan mo sa akin.

I love you sis! You are the best friend girls can only dream of having...

IMGP0031.jpg

Heto nga pala ang ilan sa mga pictures that I took using the digicam Addy gave me...

IMGP0068.jpg

IMGP0091.jpg

IMGP0183.jpg

IMGP0182.jpg

joco.jpg
Joco with our dogs...

blue.jpg
Sabi ko sayo sis, blue ang mata ko... hahaha

sleep.jpg
Pang inis itong si Charcoal, pati pagtulog ko ginagaya... feeling tao!

hello.jpg
ang ganda talaga ni hello...

Thank you ulit sis.... See you soon and God bless!

Posted by csadviser 01:33 Comments (4)

Kung ano anong kwento lang

all seasons in one day

THE BIG EXPLOSION

Two minutes na lang pababa na ako ng biglang may malakas na pagsabog sa sinsakyan ko na bus. "BOOM!" Panic ang mga pasahero. Nagising ang mga mahimbing na natutulog. At nagtinginan kaming lahat. Syet! May demonyong sumuka at imbes na ibaba ng bus ang idinuwal nya, binuhol lang ang plastic at nilagay sa lapag ng bus. Nang biglang nagpreno ang bus, gumulong ang supot at natapakan ng isa sa mga nakatayo na pasahero. Putsa, napuno ng lugaw ang mga kapwa ko pasahero. Panic mode ako at unang hinawakan ang pinakamamahal kong buhok. Clear.... Thank God... Chucks ko lang ang nabiktima. Slight lang naman. Kaya ayun, nalabhan sya agad.

McDO FEVER

Ewan ko ba dito kay Kim Chiu, kumain na kami sa pantry pero nag aaya pa rin na lumbas at mag McDo. Nakumbinse nya ako dahil paulit ulit nya sinasabi ang sundae. Syempre na imagine ko , kaya go kami.

Pagdating sa McDo PeopleSupport, walang sundae. Nililinis ang ice cream machine. Bakit ganun? Dapat may extra ice cream maker sila. Unfair sa customers. Kaya ka nga nagpupunta sa fast food para kumain ng masama sa kalusugan mo, tapos wala!!! Kaines.

Anyway, punta kami sa McDo Madrigal. Layo yun ha... at for the first time in history, sarado sya!!! Oh my gulay talaga.

Etong si Kim Chiu, ayaw mawalan ng pag asa, nag aya pa sa Valero.... Grabe wala ding sundae. So naubos lang ang lunch break ko kakalakad. Nag 711 na lang sana ako at bumili ng Cornetto :(

Sa McDo din pala nawala ang ID ni Emo Kid. Ang masaklap pa, kasama ang P500 GC nya. In fairness sa crew ng McDo PS, nag effort silang hanapin. Hinalukay talaga nila nag basurahan para sa ID. Pero wala talaga. Malamang may nag interes na dahil may kasamang Ninoy.

YAN ANG GIFT

Shala ang byenan to be ni Chacha. Niregaluhan sya ng kama at dineliver pa sa bahay nila. San ka pa???

At congratulations kay Cha, nanalo sya ng 2,000 Sodexho. Galing mo teh!

Posted by csadviser 09:54 Archived in Philippines Comments (0)

Kung magreresign ka, huwag ganito!

The most krung-krung resignation letter ever written!

overcast

May abnoy na nag immediate resignation dito ngayon. Nothing unusual really. Until we came across her resignation letter...

I am filing for resignation effective today. This also acts as a response to a recent show cause memo issued on _____. My head is spinning. I have enjoyed my stay here and had met a lot of great friends but I no longer feel that I can function well as an employee with this state of mind. I have a lot of things in mind and I cannot prioritize my work anymore along with these plans. I intend to make this life rewarding and make my existence worthwhile. I want to meet atleast two african kids, I want to invent a scrubber that has a built-in soap, I want to ride 4 buses and not look at signboards and just head out north, I want to greet my mom in the morning and tell her she's special, I want to appreciate the sunset every afternoon, savor lines from Robert James Waller's novels, I want to attend high school reunions, read children's books to cancer patients, eat strawberry ice cream on saturdays, and the list goes on and on..but the point is I really would like to be at peace with myself and these longings. I want to rest and think about what is that one significant thing that exudes importance to me which is.... life itself.

O diba??? Parang adik lang.

Ang masasabi ko lang ay Goodluck sayo Goldilocks sa paghahanap mo ng trabaho. Kasi yang sinulat mo na resignation letter habang bangag ka ay part na ng 201 file mo, at may pag asang makarating sa mga future employers mo. At isa pang pahabol... mura lang ang mousse. Try mo!

Posted by csadviser 09:47 Archived in Philippines Comments (3)

Basta driver, sweet lover

overcast

Bilib talaga ko sa mga bus drivers dito sa Pinas. Correction, sa lahat ng public transportation drivers dito sa Pilipinas. Super galing sumingit.

Kanina, more than an hour early na naman ako for my shift. Kasi yung driver ng nasakyan ko na bus, nag ala Michael Schumacher. Super bilis mag paandar. Kulang na lang lumipad yung bus. Grabe sumingit, walang pakundangan kung mamahalin ang sasakyan mo. Kung gusto nilang unahan ka, eat my dust ang magiging drama mo. Katakot.

bus-cartoon.jpg

Dun pa naman ako kanina umupo sa harap. Yung sa gilid ng driver. Talagang sobra ang kaba ko. Mahigpit kong inakap ang aking bag at baong quaker oats na umaapaw sa condensed milk. Nakalimutan ko ang plano ko na matulog sa byahe. Kinumbinse ko na mas mabuti na manatili akong gising. Mahirap na at baka magulat na lang ako kung bakit ako nasa ospital.

Sa totoo lang, nasisiyahan ako pag mabilis ang byahe. Pero hindi ganun kabilis. Sabi ko nga kay Manong Driver, "Kuya, 6pm pa pasok ko. Di tayo nagmamadali." Deadma. Kamalasan pa, may sumakay na ka-chummy si driver. Nag-emote na kailangan daw nya makarating sa Mandaluyong bago mag alas singko para kunin ang voter's ID nya. My gulay! Lalong bumilis ang bus.

Pero mas gusto ko na yung mabilis na byahe kaysa sa yung super bagal na lahat ng kanto hinihintuan. Yung wala namang pumapara, pero hinto ng hinto. Feeling nila, lahat ng nakatayo sa sidewalk, gustong sumakay. Yung Ayala to Cubao halos dalawang oras na.

Anyway, balik sa mabilis na bus...

Nagulat ako ng biglang kinausap ako ng driver.

"Oi, si Mam, may baon" comment nya sabay turo sa sa quaker oats.

"Mahal po kasi bumili".

"Cubao ka bababa, diba? Saan ka nagttrabaho dito? Sa factory?"

Pootsa, nainsulto talaga ako. Ako, factory worker? Naka levi's ako at Chucks. Maganda ang body bag. Naka ayos naman ako, napagkamalan pa ako na factory worker!!!

Nagmodulate ako ng boses.

"Sa callcenter. Sa Makati."

Ininis ng konduktor ang driver. "Callcenter yan".

Kunyari hindi afected ang driver. Chika ulet.

"Ano ang baon mo?"

"Oatmeal".

Tumawa ng malakas ang konduktor. "O ano, nakakain ka na ba nun?", pang iinis nya sa driver.

Ayan, inasar mo kasi ako manong. Karma.

Disclaimer: Hindi ko po nilalait ang mga factory workers. Malaki po ang pag galang ko sa inyo dahil nagttrabaho kayo ng marangal. Cheers!

Posted by csadviser 05:38 Archived in Philippines Comments (0)

Life in pictures

all seasons in one day

THE FROG PRINCE

marlou.jpg

SUCCESS STORY

pedra.jpg

HAPPY WITH THE GIFT SHE GOT

mary.x-citrix-pjpeg

BEST FRIENDS FOREVER

best_friends.jpg

BEFORE ROSALINDA, MAY FLOWER PUFF GIRLS

flower_puff.jpg

HOW I WELCOMED 2010

6ny2.jpg

HARDCORE JOCO

hardcore.jpg

FOR LIFE... PROMISE.

forever.jpg

Posted by csadviser 06:32 Archived in Philippines Comments (1)

(Entries 1 - 6 of 6) Page [1]