A Travellerspoint blog

Si TSA at ang bata sa bus

all seasons in one day

cho0035l.jpg

Super laki na ng tyan ko. Super obvious na buntis, at hindi busog lang. Pero kahit ganito na ang kalagayan ko, lagi pa rin akong matagal na nakatayo sa byahe. Walang nagpapaupo. Deadma. Minsan, yung mga lalake, inaagawan pa ako ng upuan. Yung iba namang nakaupo na, kunyari nakatingin sa malayo, nanonood ng tv, o tulog.

Kahapon, pagdating ko sa bahay, super daldal na naman si TSA. Kwento nya ang nangyari sa kanya sa byahe.

Sa Cubao daw, may sumakay na batang kasing edad ni Chocoboy. May dalang sako. Halata daw na basurero yung bata. Pero malinis naman daw at walang amoy.

Nakiusap daw yung bata ng maayos sa konduktor na kung puede libre na lang sya dahil wala talaga syang pera at gusto na nyang umuwi ng Palmera. (Malayo ang Palmera. Lagpas pa ito sa bahay namin.)

Sabi daw ng konduktor hanggang Philcoa lang. Hindi kumibo ang bata. Nakatayo lang sa buong byahe. Kahit may mga bakanteng upuan, nakatayo ang bata. Nahihiya siguro.

Pagdating sa Philcoa, may mga construction worker na pinagdiskitahan ang bata.

"Pababain na yan. Basurero. Mabaho yan", sigaw daw ng mga construction workers.

Na-pressure ata ang konduktor. Inaway na din ang bata at pilit na pinapababa ang paslit.

Naawa si TSA. Naiisip daw nya kasi na parang si Chocoboy ang bata.

Nagmakaawa ang bata sa konduktor. "Sige na kuya, gusto ko lang po makauwi".

"Delikado pa ito. Wala kang bayad. Baka may masama ka pang balak", sabi daw ng konduktor sa bata.

Di na nakapagpigil si TSA. "Magkano ba hanggang Palmera?", tanong nya sa konduktor.

"35",sagot nito. "Pero ibaba na yan. Delikado. Mabaho pa", tuloy pa nito.

"Eto bayad nung bata. Hindi naman mabaho. Kanina pa yan nakatayo sa tabi ko", sabi ni TSA.

Panay pa daw bulong ng konduktor. Natahimik naman ang mga construction workers.

"Ano pa ba problema?", tanong ni TSA. "Diba bayad lang naman ang dinadaing mo kanina? Tignan mo nga yung bata. Mag-isa lang yan. Nakiusap naman sayo ng maayos. Paano naging delikado yan? Ang delikado, maulan ngayon tapos paglalakarin mo yan mula Cubao hanggang Palmera".

Tahimik ang konduktor. Itinabi ni TSA sa kanya ang bata. Nangingilid ang luha. "Thank you po", sabi nito sa kanya.

Tumango ang TSA. Nilayo ang tingin. Mababaw ang luha nya. Ayaw nyang mag-iyakan sila ng bata.

May kumausap kay TSA na babae. "Wala na talagang tulungan ngayon dito sa Pinas noh?", sabi nito sa kanya.

"Oo nga. Kawawa na nga, kinakawawa pa. Kung makakapag aral lang itong bata na ito, baka maging presidente pa natin ito", sagot ni TSA.

Tahimik na ang byahe. Napapangiti na lang si TSA dahil usapan ng ilang sakay na ibinayad nya ang bata. Nakayuko na lang ang mga construction workers.

Bago bumaba, kinausap ni TSA ang konduktor. Humingi ng pasensya. Nagpaumanhin din ang konduktor. Wag daw mag alala. Ibababa nya ang bata sa Palmera.

Natuwa ako kasi alam ko naman na mabait si TSA, pero isa na naman ito sa mga halimbawa kung gaano talaga sya katino na tao. Kahit kasi kasama nya kami ni Chocoboy sa byahe, nagpapaupo talaga sya ng mga bata, babae, buntis at matatanda. Proud kami ni Chocoboy kasi alam pa nya sa sarili nya yung obligasyon nya sa kapwa nya. Pero sa kwento ni TSA, nalungkot din ako. Naisip ko ang araw araw kong kalbaryo sa pagbbyahe at ang pagbabago sa paligid natin.

Nakakalungkot noh? Ang dami mang modernisasyon sa paligid, marami ding nawala na mahalaga. Nawalan tayo ng pakialam sa kapwa.

Posted by csadviser 00:00 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

nakakaiyak naman ang blog mo na eto. Maganda pa ang pagkaka-detalye.

Tama ka sis, modernized na nga ang mundo natin pero naiwan naman ang pakikipag-kapwa tao ng ilan.

by addyict

So sad... buti nalang may mabait na tao na nakasakay sa bus para ipagtanggol yung bata :)

by Annecheng

true,,, madming improvements, pero marami ding maganda na kinalimutan.

by csadviser

tama ka annecheng...bait TSA noh? kabaligtaran ko hehe

by csadviser

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint