A Travellerspoint blog

Almost Famous

all seasons in one day

Natawa kami ni Chocoboy sa kwento ni TSA. Bigla daw syang naging "popular" sa opisina.

4pm ang uwian ni TSA. Dahil super init, naisipan niyang tumambay muna sa lobby ng Octagon (behind Megamall) bago umuwi with his workmates.

Nagulat sya ng may kumalabit sa kanya.

"TSA", sabi ng kumalabit.

Deadma ang TSA. Kinalabit sya ulit...... "TSA".

Paglingon ni TSA, si Luke Jickain pala ang tumatawag sa kanya. Yup, tama. Ang actor / model na si Luke Jickain.

LUKE_JICKAIN.png

Team mate ni TSA si Luke sa football.

"Hey Luke!", bati ni TSA. "What are you doing here?"

"May contract signing ako bro. Sa Nisce," sagot naman ni Luke na hindi talaga aware kung gaano sya kagandahan sa personal.

"You work here, bro? Let me guess, call center noh?", tanong pa ni Luke.

luke3110.jpg

Sabi ni TSA, habang nag-uusap daw sila ni Luke, super daming mga tao na panay ang lapit at papicture. Medyo naiilang nga daw sya, pero nabilib daw sya kay Luke kasi walang kayabang yabang. Tuloy lang sa pakikipag usap sa kanya. Syempre, parang naging celebrity na rin ang TSA. Malamang, kasali na sya sa mga picture dahil mega chika lang ang Luke sa kanya.

May moment pa nga daw na tinawag na si Luke ng PA nya. Gulat si TSA dahil ang sagot ay "Wait, I'm talking to my friend here". Bongga.

Nung nagpaalam na si Luke kay TSA, si TSA naman ang pinagkaguluhan ng mga officemates. Mega interview. Madami daw na biglang gustong sumali (boys) sa football. Pero mas marami ang gustong manood at maging friend si Luke (girls and gays).

Haist, iba talaga ang may face value.

Posted by csadviser 22:37 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

love it. Kailangan i-set ako ng date ni TSA kay Luke pag bakasyon ko ha! ahahaha...

Love u TSA (sabay ganun!) hehehe...

by addyict

naku ang haba ng pila ng gustong maka-date si Luke... ang haba ng hair...

by csadviser

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint