A Travellerspoint blog

Moody Me

all seasons in one day

Habang lumalaki ang tyan ko, lalo akong nagiging moody. Ewan ko ba, hindi ko mapigilan. Minsang masaya ako, tapos biglang mabbwist. Biglang nasasabi ko ang mga bagay na dapat sarilinin ko na lang.

Mood-Swings2.jpg

Nung Monday, iba talaga ang timpla ko. Sa bus pa lang, mainit na ulo ko. Basta hindi ko ma-explain. Hindi ko mapigilan.

Anyway, sa likuran ako ng driver nakaupo. Tatluhan yun. Dalawa pa lang kami na nakaupo. May sumakay na babae. Tumabi sa amin. Malaki ang bag nya. Pinipilit nya na umurong pa kami. Wala nang uurungan. Siguro kung posible na lumusot kami sa bintana kakasiksik nya, lumusot na kami.

Naiinis na ako. Pinipigilan ko.

Sinisiksik nya ang bag nya para umurong kami. Di ko na kinaya. Nag react na ako.

"Ano ba miss? Siksik ka ng siksik ng bag mo, kita mo nang ang laki ng tyan ko!"

Tumayo ang ale. Lumipat ng upuan. Wala nang nagtangka na tumabi sa akin. Kahit pa mga bagong sakay. Na-sense ata nila na may topak ako.

  • **

mood-swings.jpg

Sa opisina naman, nainis ako ni Bearwin. Halos isang oras na lang uwian na. Malas naman at inabutan ako ni Bearwin na hindi nag GMRC sa eskwelahan.

Dumaan sya sa likod ko sabay announce ng may kalakasang boses: "CSA, you are absent again. During the weekend pa ha."

Nagpanting ang tenga ko. Tama ba na iannounce sa lahat? Sumagot ako. Malakas din ang boses.

"Hindi ko naman dinedeny na absent ako. Pasensya ka na ha. Buntis kasi ako. Sumasama ang pakiramdam."

Sumagot pa rin ang Bearwin. "But you were absent."

Nakasimangot ako. Hindi ko sya tinitignan. Alam ko na pag tumingin ako sa mukha nya, baka tumayo ako at makipagsigawan.

Lumapit si Bearwin. "Galit ka?", tanong nya.

"Hindi. Pagod ako. Buntis nga kasi ako. Panay ang sipa ng anak ko."

"Galit ka ata eh", pangungulit nya.

"Hindi nga", sagot ko.

"Smile ka na. Sige ka, maaapektuhan ang FCR mo", sabi ni Bearwin bago lumakad palayo.

Bwisit pa rin ako. Haist. Ayoko na talaga sya makita. Kung puede lang na mag maternity leave na ako. Ginawa ko na. Pramis.

  • **

imagesCALSQZFU.jpg

Hirap pa rin ako matulog. Super energetic si Tyler. Sipa dito, sipa doon. Excited ako sa katapusan para sa ultrasound. Gustong gusto ko na sya makita. Actually, gusto ko na syang lumabas. Kargahin. Yung maamoy sya. Pero ayoko mag labor. Gusto ko lang matulog, at pag gising... voila!!! Ayun na si baby! Ang scenario na yan ang lagi ko ngayong pinagdadasal. Ayokong maulit ang halos pamamaos ko dahil sa kasisigaw nung ipinanganak si Chocoboy.

  • **

Ang problema ba pag hindi pinag usapan, resolved na? Punong-puno na ako. Naiinggit nga ako sayo, sa totoo lang. Ang himbing mong matulog. Wala kang problema. Normal ba na mainit ang ulo, matutulog, at pag gising kinabukasan, wala na yung problema? Na okay na?

Hindi okay. Ako, hindi ako natutuwa. Naninikip na dibdib ko. Masamang masama loob ko. Isa rin yan sa dahilan kung bakit hirap ako matulog. I am trying so hard not to feel bad, dahil alam ko mararamdaman din ito ni Tyler. Pero nahihirapan ako. I keep thinking "I must have done something really bad in the past to be this miserable".

Posted by csadviser 17:41 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

taray naman ng sis ko. :) I know the feeling kasi pinagdaanan ko din yan. ahahaha... seriously, I don't know what to say, pero dapat lagi kang masaya kasi gaya nga ng sabi mo ramdam yan ni baby Tyler sa tummy mo. Iloveyou sis. :)

by addyict

I know sis. I am trying really hard....hehehe

by csadviser

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint