A Travellerspoint blog

Galit talaga sa akin si Char...

sunny

Nagulat ako pagdating ko sa bahay na naglalaba si TSA.

"Ano nakain mo?", tanong ko.

Eto ang sagot nya: "Galit talaga sayo si Char."

"Bakit naman?"

Kwento ni TSA, inaya nya daw kahapon sa 2nd floor si Charcoal para picturan. Nagbilin kasi ako na kuhanan ng litrato para mailagay ko dito sa blog ang before after picture after her disastrous haircut done by yours truly.

Pinapa-pose nya ang tuta na normally ay laging camera ready. Ayaw. Iniwan ni TSA sandali. Nagulat sya pagbalik nya. Kinuha ni Char ang 2 jacket ko from Chocoboy's room. Winawasiwas nya. Panay ang angil. Pinipigilan ni TSA. Ayaw daw tumigil. Umiiyak pa.

"Galit ka talaga kay Mommy noh?", tanong ni TSA kay Char.

Tuloy pa rin sa pag-ngatngat sa mga jacket ko. Kinakaladkad pa daw sa sahig. Hinayaan na lang ni TSA. Nung nailabas na ni Charcoal lahat ng galit nya, sinalang na ni TSA sa washing machine ang mga kawawang jacket.

Posted by csadviser 19:28 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint