A Travellerspoint blog

TSA's 32nd

all seasons in one day

TSA celebrated his 32nd birthday yesterday. Simple lang, sa bahay lang kami.

inihaw-na-..ed-pork.jpg3talong.jpg
Nag-ihaw ako ng liempo at nagprito ng talong.

Syempre, iba-iba kami ng sawsawan...

DPKURAT.jpg

Si TSA, may nadiscover na Datu Puti sukang kurat. Parang dinikdik na sili na hinaluan ng konting suka. Amoy pa lang, masakit na sa ilong. Super anghang.

May nakakatawang istorya pa nga sya. Nung kumakain kami, sabi ni Chocoboy, yung suka daw ni TSA kay Randy Santiago. Tawa talaga kami. "Anak, kirat si Randy Santiago hindi kurat", sabi ko sa kanya.

dp-white-v..ed-25oz.jpg

Ang paborito kong suka. Spiced vinegar from Datu Puti. Sukang puti na tinimplahan ng bawang, sibuyas, sili at kung ano-ano pa. In fairness, mega-promote kami ng Datu Puti ah.

Si Chocoboy, mahilig isawsaw ang talong sa halubaybay. Halubaybay ang tawag sa ginisang bagoong isda tapos pinigaan ng calamansi. Sayang at hindi ko na nakunan ng litrato.

Para sa mga friends ni TSA sa village, umorder sya ng isang malaking bilao ng palabok at nagpakain. Dahil hindi naman sya mahilig sa inuman, yun lang ang binili nya. Nagulat na lang sya at biglang may inuman. Parang potluck ang nangyari - pero panay alak ang dala. Syempre, nakiinom na rin sya.

Happy birthday honeykoy!

Posted by csadviser 20:52 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

Happy Birthday kay Kuya Manuel.

by www.steadfastguy.wordpress.com

Thank you Marlou. Love ka talaga namin.

by csadviser

Nagutom ako... SARAP!!!

by parteeboi

happy birthday po Manuel. Wish ko para sa iyo ay good health ang long life. =) God bless.

by addyict

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint