A Travellerspoint blog

And the award goes to....

sunny

teamcoaching.jpg

For the first time, nagkaroon ng Tem Coaching. Syempre, tuwang tuwa kami nila Antacid Gurl at Neneng LBM. Dahil marami kaming bagong team mates, naisipan ni Irma Daldal na isa isang magpakilala ang mga baguhan...

"Hi, I'm Tatiana. I'm shy".

"Hi, I'm Sunshine".

So far, so good. Pangiti-ngiti lang ako. Syempre, new friends. Nagulat na lang ang lahat sa pagpapakilala ng isang dalaginding na maraming panahon para mag-eyeliner.

eyeliner.jpg

"Hi, I'm Emo..and I am mad!"

Pagkatapos ng statement na yan, nagpatuloy na sa kanyang sentimyento si Emo.

"I am hurt. Lagi na lang kami pinaparinggan na mali yung gawa namin."

"Sino nagparinig sa'yo?" tanong ni Irma.

"Sorry Ate, ikaw!", sabi ni Emo sabay turo kay Antacid Gurl.

"At ikaw!", sabay turo sa akin.

madf.jpg

Nagulat kami ni Antacid Gurl. Lalo na nang tumulo na ang luha ni Emo. Sa sobrang lakas ng monologue nya, nilapitan si Irma ni Pipoy at sinabihan na sa training room na lang kami dahil nga naman parang may live broadcast ng Face to Face sa operations floor.

Lakad kami papuntang Training Room. Syempre, bad trip kami ni Antacid Gurl.

"I am going to sit at the front", sabi ni Antacid Gurl. "I want to hear this".

Nagpatuloy ng kwento si Emo...

"...kasi po kanina, narinig ko sabi sila ng sabi na "Who is Fayatollah?". Syempre po hindi lang naman ako ang nasasaktan. I am speaking for everyone."

Tinignan ko yung everyone na sinasabi nya. Okay naman silang lahat. Mga kinakausap namin ni Antacid Gurl.

"...wala akong magagawa kung ugali nyo yan. But you are being bullies."

Ay naku, nagpanting na talaga tenga ko. Bully pala ha...

Nagsalita si Antacid Gurl:

"Ano ba exactly yung narining mo na sinabi namin?"

"Basta po narinig ko sinasabi nyo mali. You are making us look bad. Lagi ko naririnig sinasabi nyo put back na naman. Tapos paulit ulit pa na sinasabi "Who is Fayatollah?" Syempre napapahiya yung tao."

Di ko na napigil ang sarili ko.

"Why are you so affected? Hindi naman pala ikaw. Nag-uusap kami nakikinig ka, tapos ngayon apektado ka. Tsaka hindi kami nagsasabi ng name ng agent. Si Irma!"

Shocked ang Emo. Hindi kumibo.

"Oo ako ang nagtatanong kung sino si Fayatollah", sabi ni Irma. "Gusto ko kasi malaman kung saan nakuha yung sagot."

"Ano ba ang gusto mo?", tanong ko kay Emo. "Bawal kami magcomment? Kasi baka marinig mo, ma-oofend ka na naman. You know, you shouldn't be working in a call center kung ganyan ka kasensitive!"

Namagitan si Irma.... Nag dialog about friendships..teamwork...at ang inaasam na team building.

Pero ang tunay na nagtanggal ng tensyon ay ang pag amin ng isa sa mga bago naming teammates na sya si Fayatollah.

Ang ending? Nagsorry si Emo sa amin ni Antacid Gurl. At dapat lang. Nag eavesdrop ka na nga lang sa usapan namin, naki-emote ka pa. Hindi naman ikaw ang concerned party.

award.jpg

Kaya, winner. Dapat ka talaga parangalan ng isang award : Breakthrough performance by a new artist!

Posted by csadviser 20:16 Archived in Philippines Comments (0)

Who Knew?

all seasons in one day

Feeling emo ako lately. Siguro, dahil

1. Lagi kaming nag-aaway ni TSA
2. Hindi ko matakasan ang pagtanda
3. Hindi ako makatulog ng maayos. Ang gugulo ng mga aso
4. Split ang rest days ko.

Anyway, talked to an old friend a couple of days ago. Kung ano ano tuloy naiisip ko. At kanina, nung narining ko ang kanta ni Pink na "Who Knew", naka-relate na naman ako.

Who Knew

You took my hand
You showed me how
You promised me you'd be around
Uh huh
That's right
I took your words
And I believed
In everything
You said to me
Yeah huh
That's right

If someone said three years from now
You'd be long gone
I'd stand up and punch them out
Cause they're all wrong
I know better
Cause you said forever
And ever
Who knew

Remember when we were such fools
And so convinced and just too cool
Oh no
No no
I wish I could touch you again
I wish I could still call you friend
I'd give anything

When someone said count your blessings now
'fore they're long gone
I guess I just didn't know how
I was all wrong
They knew better
Still you said forever
And ever
Who knew

Yeah yeah
I'll keep you locked in my head
Until we meet again
Until we
Until we meet again
And I won't forget you my friend
What happened

If someone said three years from now
You'd be long gone
I'd stand up and punch them out
Cause they're all wrong and
That last kiss
I'll cherish
Until we meet again
And time makes
It harder
I wish I could remember
But I keep
Your memory
You visit me in my sleep
My darling
Who knew
My darling
My darling
Who knew
My darling
I miss you
My darling
Who knew
Who knew

Posted by csadviser 23:24 Archived in Philippines Comments (0)

Skype Birthday

Thank God for great workmates!

all seasons in one day

As promised, nagdala ako ng carbonara sa office nung November 21, 2010 as my birthday treat. Imagine my surprise nung nakita ko na ipinaghanda ako ng mga workmates ko.

Parang children's party. May cake, ice cream, sandwiches at softdrinks. Sobrang dami ng pagkain, pati mga night shift folks, nakakain. I super love it.

IMGP1816.jpg
Group picture...

IMGP1877.jpg

IMGP1807.jpg
Ang aming resident photographer...

IMGP1831.jpg
Sabi ni Inna, masarap yung luto ko. Pero bakit ganito ang expression nya?

IMGP1815.jpg

IMGP1829.jpg

IMGP1808.jpg
Feeling ni Neneng LBM sya ang may birthday...

IMGP1811.jpg

IMGP1817.jpg

IMGP1814.jpg

4IMGP1809.jpg

IMGP1812.jpg
Ganyan ang epekto ng chocolate cake kay Reechang...

IMGP1822.jpg
Si Richard...

IMGP1827.jpg

IMGP1828.jpg
Si Poleng...

Thank you very much for making my birthday extra special. Kung alam nyo lang kung gaano nyo ako napasaya.

Posted by csadviser 22:46 Archived in Philippines Comments (0)

Hours before I age yet again...

all seasons in one day

I am going to turn 31 in a couple of hours. Needless to say, I am once again panicking that I am aging. Yes, I am still obsessed with the face creams and toners and all the nightly ritual that countless of women fervently cling to, believing, hoping, that it will bring eternal youth.

I have the day all planned out. In keeping with the theme "eternally young", TSA, Chocoboy and yours truly are going to Star City. I know, it's a unique way of celebrating your 31st birthday. But who cares, right? As long as we all have fun. That is what matters.

So today, while waiting for my son to come home from school, I got worried because he was an hour late. I was already getting ready to fetch him from school when he arrived - bearing gifts!

He gave me a kiss and a hug. Then he said "Happy Birthday" while handing me his surprise. My dear son, as it turns out, went to the bookstore. He gave me this book:

book.jpg
I think he is trying to tell me that I am too busy :)

He also bought hotdogs from Jollibee. I tell you, I have eaten Jolly Hotdogs for as long as I can remember. But these hotdogs that my son bought for the family to share are the best!

hotdog.jpg

My dear in laws also gave me Cibo gift certificates. My, are we excited to dine...

cibo.jpeg

So far, with a couple of hours to spare, I have a feeling turning 31 is not going to be so bad after all.

Posted by csadviser 02:04 Archived in Philippines Comments (0)

The Last Week of October

all seasons in one day

Madami-daming nangyari this week. May exciting, meron ding not so exciting.

Kahapon, sinuot ko ang bago kong flat shoes. Bongga talaga sya. Madaming pumuri na maganda, pero 1 oras ko pa lang suot, masakit na paa ko. Kinailangan ko tuloy pumunta sa clinic para manghingi ng band aids.

bandaid.jpg

Pagbukas ko ng pinto sa clinic, nagulat ako sa nagkalat na mga gamot. Pagtingin ko sa gilid, nagulat na lang ako na yung nurse ay naipit ng punong-puno na filing cabinet na bumagsak sa kanya. Biglaan tuloy akong naging hero of the day. Galing noh? Kaya pala pinasuot sa akin ni Lord yung shoes. Ang ending? Binigyan ako ng maraming band aids ng nurse with matching Strepsils (akala nya ata voice account ako). Sinabihan pa ako na ililibre nya ako. hehe

  • **

Last week pala, nag Technical training ako. So, hindi na ako puedeng mag transfer ng technical emails. I am now equipped to answer them. Char! Ang galing ng trainer namin. Si Ian Barker from the UK. Pag nga pumikit ka, parang si Russell Crowe yung nagtuturo. May twang. Hanep sa accent.

  • **

Yung mga aso, kasama na ulit namin matulog sa second floor. Halos di na ako makagalaw sa kama. Paano ka ba naman makakakilos kung 5 aso ang katabi mo diba? Ang daya nga ni Chocoboy, hinarangan yung room nya para hindi tumabi sa kanya yung mga doggies.

  • **

Mega effort ang Melwood ngaiong Halloween. Bongga talaga ang kapaligiran. Panay sapot, may mga ghosts na nakabigti, may mga pumpkins at ang pinakamalupet, mag giant gagamba.

Iba-iba ang theme ng bawat grupo. Merong Grease, Nightmare before Christmas, basta Horror at Twilight. Nakakatuwa din kasi yung ibang mga employees dinala ang mga kiddies nila para sa trick or treat. Ang bobongga ng mga costumes. I will post pics during the weekend.

Posted by csadviser 04:55 Archived in Philippines Comments (1)

First time

all seasons in one day

bite2.jpg

Ngayong 30 na ako, akala ko wala nang mga "firsts" sa buhay ko. Pero, nagkamali ako. Isang first time experience ang nangyari sa akin ngayon - nakagat ako ng aso.

Weird noh? Sa tanda ko na to, makakagat pa pala ako ng aso. Si Greggy.

Nag-aaway kasi sila ni Dwyane. Nag-aagawan kay malandi na Charcoal. Yung liit na yun ni Greggy, talo nya si Dwyane. So inawat ko. Kinarga ko si Greggy. Ito namang si Dwyane, biglang tinalon at kinagat si Greggy. Gumanti. Siguro dahil naramdaman nya na yun na yung pagkakataon nya. Syempre, nasaktan si Greggy, so nung lumban sya (habang karga ko), ako ang nakagat. Meron sa braso at yung mga daliri ko.

bite.jpg

Hindi naman ako nagalit sa mga aso ko, lalo na kay Greggy. Di naman nila yun sinasadya. No matter how much we treat them as family, they are still animals that rely on their instinct.

Masakit nga lang yung kagat. Namamaga nga. I am just thankful na kumpleto ang shots ni Greggy, at ng lahat ng aso namin. Kaya nga ngayon, pag nag-aaway sila, sinasabihan ko na lang "Tama na". Wala na akong planong mag referee. Panonoorin ko na lang sila o kaya tatawagin ko si TSA, sya naman ang umawat.

Posted by csadviser 18:12 Archived in Philippines Comments (1)

Si Ghost Nun at ang Bobong Driver

Mga pangyayari pag madaling araw...

all seasons in one day

Hindi ko alam kung goal ba talaga ni TSA na takutin ako. Lagi na lang ako sinasabihan ng mga scary stories. Alam naman nyang madaling araw ang uwi ko.

Nung nasa 24/7 pa ako, kwento nya na yung malaking bahay malapit samin (4 houses before our house), mayroon daw white lady. Matagal na daw kasi walang nakatira. Nasa US ang may ari. Kaya ang nangyari, pag pauwi ako dun, nakatingin ako sa kabilang kalye. Or nakayuko, malayo ang tingin. Gagawin ko lahat wag lang malingon sa bahay na yun.

Two nights ago, may bagong panakot na naman si TSA. At around 8 pm daw nung Tuesday, nakasalubong ng teacher naming kapitbahay ang isang madre. Binati pa nga nya "Good evening po Sister". Deadma. Hindi pinansin ang teacher. Diretso sya ng paglalakad. Maya-maya, naramdaman ni teacher na parang may sumusunod sa kanya. Paglingon nya, yung madre! At bigla daw nagsalita "waaaaaah"... Yung parang garbled lang na kung ano ano na hindi maintindihan. Pang horror daw talaga. Syempre, kumaripas ng takbo si teacher.

400135-large.jpg

Medyo nainis ako na nagkkwento ng ganito si TSA. So ang ginawa ko, inobliga ko sya na sunduin ako sa gate ng village tuwing 12:30am. At least, kung lumitaw man si Sister, sila muna ang mag-uusap.

Kamalasan, yung nasakyan ko kahapon, ibinaba ako sa Tungko. Napilitan ako sumakay sa jeep na naghintay pa na mapuno. No choice talaga ako, so naghintay. After twenty minutes, sa wakas umandar ang jeep. Siguro 100 meters mula sa village biglang nag u-turn ang jeep.

Sinita ko ang driver "Bakit babalik?"

"Magpapagasolina kasi baka di ako makabyahe pabalik", sagot nya.

Hindi na ako umimik. Wala naman akong magagawa. Pero makikita mo na restless at bwisit na din ang lahat ng mga sakay. Sa wakas, bumyahe na ulit ang jeep.

Isang kanto bago yung bababaan ko, nagsabi na ako "Sa Citiville lang".

laking gulat ko ng tuloy tuloy lang ang andar ng jeep. Walang pakialam ang driver. Nagtitinginan ang mga sakay. Hindi ako nakapagpigil. Sumigaw ako. "Citiville diba!"

Biglang huminto ang jeep. "Lagpas na ba?", pang-iinis na tanong ng driver.

Lalong nag-init ang tenga ko. "Kumain ka ng gulay. Bobo!"

Natulala ang lahat. Tapos nagtawanan. Ako naman, bumaba ng jeep at padabog na lumapit kay TSA. Sana pala hindi na ako nagpasundo. Sa akin matatakot si Ghost Nun kung nakasalubong nya ako kagabi.

Posted by csadviser 06:17 Archived in Philippines Comments (1)

Ang alamat ng lechon

At ang pagbabalik ni Greggy

all seasons in one day

Kahapon, tuwang tuwa kami ni Chocoboy naang natanggap namin ang text ni TSA na pauwi na sya at may dalang lechon. Sa sobrang excitement namin, kahit nakapagdinner na kami, nagsaing si Chocoboy ng 4 na gatang. Sigurado daw kasi na madami kaming makakain.

Grabe talaga kami ni Chocoboy. Sinundo pa namin si TSA sa gate ng village. Kasama pa namin si prinsesita Charcoal.

Pagbaba ng bus ni TSA, ako na ang nagbuhat ng bag. Ang bigat! "Wow, sabi ko sa isip ko, daming lechon. Mukhang makakapag paksiw pa ako bukas". Hehehe Ang saya ko talaga.

Pagdating sa bahay, sabi ko agad kay TSA, "Wait lang hon, iniinin pa yung kanin. Pero malapit na yun maluto."

"Sige buksan mo na yung plastik. Yan yung lechon", sabi nya.

Napasigaw ako nung nabuksan ko yung plasktik, "Ano to???"

Tawa ng tawa si TSA. "Lechon".

Lechon nga. Tinapay na hugis lechon.

Greggy's Homecoming

Dala din kahapon ni TSA si Greggy.

Si Greggy ang dachshund ng parents nya sa Caloocan. Eh matanda na at super kulit pa rin daw. Isa pa, sabi ng byenan kong lalake, masyado daw religious - religious sa anti-reproductive health bill.

Napatunayan naman agad. Wala pang two minutes sa bahay, panay ang kintod ni Greggy kay Char. Hindi din kami nakatulog ng maayos kasi panay ang habol nya kay Charcoal. Feeling ko talaga, mabubuntis ang baby Charchar ko.

Posted by csadviser 04:50 Archived in Philippines Comments (2)

Rest well Miko

all seasons in one day

miko.jpg

September 16, 2010 did not start well for us. Miko, one of our dogs died at around 2am. TSA found him by the foot of our stairs. Nalaman ko ang balita through text. As usual, I was at work.

Syempre, malaking kalungkutan ito sa amin, Napakaliksi ni Miko. At napakalakas kumain. Sabi nga ni Chocoboy, yun ang trademark ni Miko, Super lakas kumain.

Tuwing pinapakain ko nga ngayon sila Hello at nakikita ko na may natitirang lugaw, naiisip ko si Miko. Dahil siguradong ubos yun kung nandun si Miko.

mik3.jpg

Sabi ng mga matatanda, pag may sakit ang amo, sinasalo ng mga alagang hayop. Naniniwala kami na ganito ang nangyari. Wala naman kasing sakit si Miko. Super liksi nun. Panay ang talon, panay ang pag-iingay. Ang paglalambing nga nun, umaangil sa tuwa. Weird noh? Pero yun ang isang dahilan kung bakit memorable sya. Kakaiba talaga syang aso.

5mikmik.jpg

Halos isang buwan na rin may sakit si TSA nun. Nagulat na lang kami na nung bumubuti yung pakiramdam nya, sya namang pagtamlay ni Miko. Kahit anong lambing namin, hindi kumikilos. Nung namatay pa si Miko, tumawag ang parents ni TSA. Ilang gabi na daw nila napapaginipan si Miko. At yung panaginip nila, may sakit daw si TSA at ang ginawa ni Miko, tinatabihan si TSA para malipat sa kanya. Umiyak nga si TSA. At dun lang din nya nasabi na wala na nga si MIko.

mik.jpg

Someone once told me "When a pet dies, they go straight to heaven. There they will prepare the house for you. So that when you come home to God's kingdom, they will be there to welcome you". Pagbutihin mo dyan sa langit Miko. We love you.

Posted by csadviser 05:47 Archived in Philippines Comments (3)

Bad Commonwealth!!!

Muntik na akong ma-TV Patrol

all seasons in one day

Araw-araw na lang, nasa balita ang Commonwealth. Laging may road accidents. May nasagasaan, may nagkabanggaan. I remember two weeks ago, may na gang rape pa nga dahil ahabang nag aabang ng sasakyan sa Commonwealth, pilit na isinakay yung babae sa isang van.

drifting.jpg

Kaya nga si TSA, laging nagbibilin na mag-iingat daw ako. Lalo na pag gabi ang uwian. In fairness naman sa akin, alert ako. Minsan nga na mag-isa lang ako pauwi, talagang kinakausap ko muna ang mga guards para makapag-radio sila sa mga kasamahan nila. Gusto ko kasing makasiguro na may guard sa magkabilang dulo ng overpass. Meron naman. hehe

Kahapon kasi, naisipan ko mag overtime para hintayin si Annecheng. Nagtaxi kami pauwi. Nagulat kami ni Annecheng na hindi nag u-turn si Manong Driver papuntang Fairview. Nung sinita namin, igiinilid ni Manong Driver ang sasakyan at nag-iisip kung iaatras nya ba o idederetso na lang yung taxi. Habang nakahinto yung taxi, nagulat na lang kami na marinig na may kotse na nawalan ng control. Kasunod lang namin. Talagang nakita namin na umikot-ikot yung sasakyan papalapit samin. Parang drifting. Natulala talaga ako. Hawak ko si Annecheng. Sabi nya ang higpit nga daw ng kapit ko sa kanya at hinihila ko sya papalapit sakin.

Mabuti na lang at hindi umulan kahapon. Tuyo yung kalsada. For some unexplainable reason, hindi kami tinamaan. Himala talaga. Pero natakot kami ni Annecheng. Pinagpawisan kami kahit malamig sa taxi. Thank you Lord for the second chance.

Posted by csadviser 08:25 Archived in Philippines Comments (2)

(Entries 81 - 90 of 144) « Page .. 4 5 6 7 8 [9] 10 11 12 13 14 .. »