A Travellerspoint blog

Seen and Heard

Mga pangyayari sa paligid

rain

Bearwin: Guys. please render OT. Kailangan nating makarecover sa queue.

Girlalu 1: Okay Boss, pero 1 hour lang.

Bearwin: Very good.

Girlalu 2: Ako din Boss.

Bearwin: Thank you. Good.

Girlalu 3: Boss hindi po ako mag-oovertime today. Magsisimbang gabi po kasi ako.

Shocked ang Bearwin:

Bearwin: What??? Bakit ka pa magsisimbang gabi? Ako hindi ako naniniwala sa Diyos na yan.

BitterFruitAward.jpg

May ganong factor talaga??? Ano naman sa amin kung wala kang paniniwala sa Diyos? Karapatan ng agent tumanggi sa OT. Working beyond ones' schedule is VOLUNTARY.

In fairness, sa entry ko kahapon ay tinanong ko kung bakit kaya walang Christmas spirit dito... Ayan na ang sagot. Bearwin is not a believer of God.

  • **

pipit.jpg

May isang pipit na taga-Poland ang nagbulong na nag-file ng resignation si Irma kagabi. Totoo kaya ito? Manang Bola!!!! Sabihin mo sa amin ang sagot - Ba be bi bo bu

  • **

Tuloy na tuloy na ang Christmas Party ng Team Irma sa December 23, 2010.

Excited na ang lahat. May kanya-kanyang toka ng pagkain. Nagbunutan na din para sa exchange gift. Will post pictures next week.

  • **

The tale of Pinocchia

anne.jpg

May breakfast date siPinocchia kasama ang mga dati nyang workmates. Tinamad sya, naisipan nyang magtext sa mga kaibigan na naghihintay sa Libis.

"Guys, hindi ako makakapunta. Nandito ako sa hospital."

Syempre, naloka ang mga friendship ni Pinocchia. Tinawagan sya. Tinanong kung saang hospital. Pinanindigan na ni Pinocchia ang istorya... nasa FEU Hospital daw sya. At denggue ang sakit.

pin.jpg

After a couple of hours, tumawag ulit ang mga friends ni Pinocchia.

Friend: Anong room number mo?

Pinocchia: Wag na kayo pumunta. pauwi na rin ako. Sa bahay na lang kayo dumalaw sa Saturday.

Friend: Wala ka pa ring pinagbago. Wala ka naman dito sa hospital. Drawing!

Tawa ako ng tawa ng kinwento sakin ito ni Pinocchia. Grabe... Obvious na hindi sya mahilig magbreakfast.

Posted by csadviser 22:53 Archived in Philippines Comments (0)

9 Days before Christmas

all seasons in one day

simbang_gabi.jpg

Ang bilis talaga ng panahon. Ilang araw na lang Pasko na. Kanina nga, simula na ng simbang gabi. Ayon sa mga paniniwala, pag nakumpleto mo daw ang simbang gabi, matutupad ang wish mo kay Lord. Aminado ako, never ko nakumpleto ang simbang gabi. Busy kasi sa pag-aaral noon, at ngayon naman, sa trabaho. Kaya taas noo ako sa mga nakakakumpleto. Sana ay matupad ang mga hiling ninyo.

puto-bungbong.jpg

Excited na tuloy akong kumain ng puto bumbong at bibingka. Tapos madaming niyog. Yum yum

bibingka.jpg

Nagtataka lang ako kung bakit hindi ko pa rin maramdaman ang pasko dito sa Melwood. Ni isang christmas decor - wala. Bakit kaya? May lihim na tampo ba si Bearwin kay Jesus? Nung Halloween, sobrang dami ng mga cobwebs at kung ano-anong decorations dito. Bakit ngayon na pasko bawal? Nagdala nga si Irma ng christmas tree, hindi pinayagan ipasok. What's the big deal?

Walang nagbabanggit na kahit ano tungkol sa pasko. Wala sa vocabulary ni Bearwin at Niño Muhlach ang Christmas Party, Christmas Raffle, Christmas Get-Together. Wala. Kahit Christmas giveaways, wala. Hay...siguro may traumatic experience sila na connected sa Christmas.

  • **

Si Ge ang isa sa mga una kong nagging kaibigan sa PeopleSupport. Grabe ang tao na ito. Sobrang funny. Sobrang talino. Hindi sya kaya ng mga customer. Walang refunds, walang cancellation kay Ge. Paano nga naman, dati syang supervisor sa competitor ng account namin. Kaya kabisado na nya lahat ng pasikot-sikot. Kahit ano pa ang idahilan ni customer, kayang lusutan ni Ge.

2 years ago, nag Singapore si Ge. Nakakuha sya ng magandang trabaho dun. Panay nga ang aya nya sa amin ni Addy. Lagi kaming nagsasabi na “Sige, pupuntahan ka namin”, pero never kami natuloy.

friends.jpg

Kahapon, nag-Skype kami ni Ge. Nagulat ako sa balita nya. Bumalik ang cancer nya. May scheduled syang operation sa China. Hindi pa sigurado kung kailan sya makakauwi sa Pilipinas.

Naalala ko yung 1st time na tinamaan ng cancer si Ge. Sa America sya nagpagamot. Nakalbo sya. Sobrang payat. Akala nga daw nya katapusan na nya. At nung nakita ko ang mga pictures nya, natakot ako at napahanga nya dahil nalagpasan nya. Kaso ngayon, heto na naman.

Sabi ko sa kanya, “Malakas ka kasi kaya yan ang binigay sayo ng Diyos. Sigurado ako malalagpasan mo yan”.

“Tao lang din ako. Mahirap”

“Simula na ng simbang gabi mamaya. Isasama ka namin ni TSA sa dasal namin.”

“Salamat ha.”

AngleChild.jpg

Naiisip ko siguro pinaghihinaan na din ng loob si Ge. Naiintindihan ko kung bakit nya sinabi na tao lang sya. Napapagod. Mahirap mawalay sa pamilya. Mahirap magtrabaho sa malayo. Mahirap makita na yung pinaghirapan mong ipunin para sa pamilya mo, mauubos lang din pala sa pagpapagamot mo sa sarili mo. Mahirap na umuwi sa Pilipinas na bigo.

Lakasan mo lang ang loob mo Ge. Kaya mo yan. Hihintayin ko ang pagbalik mo dito sa Pinas. At promise, dadalawin ka na namin ni Addy sa Singapore.

  • **

Mark Zuckerberg named Time 'Person of Year'

mark.jpg

Ang masasabi ko lang - super deserving. Salamat sayo sa pag-create mo ng Facebook. Marami kang taong napasaya. Lalo na ang mga Pinoy.

Posted by csadviser 19:22 Archived in Philippines Comments (2)

Si Hubert at ang Spice Girls

all seasons in one day

“It is better to acquit 100 guilty people than to convict an innocent one” - Dean Amado Valdez.

Iba-iba ang reaksyon ng mga Pilipino sa naging desisyon ng Korte Suprema kahapon ukol sa Vizconde Massacre trial. May mga natuwa, nagalit. Meron din namang wala lang.

Pagkatapos ng 15 taon sa bilangguan, "Not Guilty" ang naging hatol kina Hubert Webb at mga kasamahan nito. To read the full story, click here.

You can also read a very insightful article about the Webbs by clicking here.

hub.jpg

Personally, parehong nawalan ang pamilya Vizconde at Webb. At kahit na ano pang evidence and naipakita at ipapakita na, at the end of the day, yung mga biktima, yung gumawa ng krimen (si Hubert man yun o hindi) at ang Diyos lang ang totoong nakakaalam.
Naaawa ako kay Lauro Vizconde dahil masakit mawalan ng mahal mo sa buhay. Lalo na kung dahil sa marahas na paraan. Walang magulang ang dapat makaranas na mamatayan ng anak. Hindi tama.

Sa panig naman ng mga Webb, marami ng mga pagkakataon na lumagpas. Kahit ano pa ang gawin nila, kadikit na ng pangalan nila ang Vizconde massacre. Si Hubert, nakalaya man, pero wala namang kasiguruhan kung magiging maganda ang magiging trato sa kanya ng lipunan. Magkakatrabaho pa kaya sya? Makakapag-asawa? We live in a harsh society. Whether we admit it or not, we judge people - a lot.

Sa lahat ng curious sa kaso na ito, I suggest watching "Cheche Lazaro Presents: Dalawang Mukha ng Hustisya". Unbiased. Nung napanood ko ito, naintindihan ko ang pamilya Webb. To watch the said documentary, click here.

  • **

spice.jpg

Itong si Chickboy, binansagan kaming Spice Girls. Ang members, si Reechang, Caramel, Antacid Gurl, Neneng LBM aka Lipgloss at ako. Lagi daw kaming sama-sama. Syempre, nagtatalo-talo pa kami kung sino kami sa Spice Girls. Hay naku, basta ako si Ginger Spice.

spice2.jpg

Sana lang din ganito ang abs ko...Haaayyy

  • **

Discovered a website called This Is Why You're Fat. To visit the site, click here.

pake.jpg
Pake = a pie inside a cake

A lemon-vanilla cake with blueberry preserves, strawberry pie, and cream cheese frosting.

10-NY-Pizz..per-Bar.jpg
Burger King Pie. 4 whoppers. Buti na lang hindi ito available dito sa Pilipinas.

burger.jpg
Parehong "WOW" ang nasabi namin ni Reechang nang nakita namin ang burger na ito...

Posted by csadviser 23:17 Archived in Philippines Comments (0)

Blast from the Past

sunny

Bakit kaya ang ibang mga Manong Guards feeling nila kailangan maging OA para magampanan ng maayos ang trabaho nila?

security-g..tanding.jpg

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, dala ko lagi ang notebook ko sa operations floor. Syempre, hindi mo maiiwasan na may kailangan ka isulat, at merong mga notes na importante. Kanina, nagulat ako ng harangin ako ni Manong Guard.

Guard: Ano ba designation nyo?

CSA: Agent. Bakit?

Offended nako dito. Tama ba na tanungin ang isang tao kung ano estado nya? Rude.

Guard: Bawal magdala ng notebook.

CSA: Kelan pa?

Guard: Basta bawal.

Naimbyerna talaga ako. Puede pala na magpatupad ng mga policies based on "basta".

Guard: Balik nyo na lang po sa locker.

CSA: Late na ako, dyan na lang. (sabay hagis sa notebook sa gilid ng pinto)

Pagpunta ko sa station ko, naikwento ni Annecheng aka Ms. Malaysia, na ganun din ang ginawa sa kanya. Nung dumating si Antacid Gurl, ganun din ang kwento. Pero ang nakakagulat, naipasok nila ang mga notebook nila!

Sugod ako kay Epal Guard.

CSA: Akala ko ba bawal eh bakit mga kasama ko may dalang notebook?

Guard: Eh hindi naman notes laman ng notebook mo eh!

Nagalit ako sobra. Diko napigil ang sarili ko. Sumigaw ako.

CSA: Pinakialaman mo notebook ko!

Tumahimik ang guard. Hinayaan na akong ipasok ang kontrobersyal na notebook. Diyos ko, binasa pa ata nya. Ang dami kong mga emote dun at pati schedule ng cherfer ko nakasulat dun. Please tell me if I am just being overly sensitive. Pero tama ba na may policies pero sa agents lang applicable??? My gulay, it's like the Starbucks issue all over again.

  • **

Marami na rin akong pinagpapasalamat at nasa isang non-voice account na ako.

Una, hindi na ako minamalat sa kakadaldal ng walong oras araw araw.

Pangalawa, para lang kaming nagssoundtrip dito sa opisina. Nag provide si Bearwin ng isang maliit na stereo at kung sino ang maagang dumating, sya ang namimili ng station na pakikinggan. Kanina, nauna si Reechang. Maganda ang station na napili nya... Mega-reminisce ang mga 90s babies...

lisa.jpg
Nag-emote at nagsabi ng "stay" kay Lisa Loeb...

eraserheads.jpg
Lumipad sa alapaap kasama ang Eraserheads...

alanis.jpg
Inintindi ang angst ni Alanis Morisette...

tracy.jpg
Namangha pa rin sa boses ni Tracy (na mukhang lalake per Reechang)...

dido.jpg
At sumabay mag Thank you kay Dido...

I have to admit, while the pay is not that good here at Melwood, there are a few bright spots that make everything worthwhile. And my workmates, among the best and beautiful. Char!

SEEN AND HEARD

cart.jpg

Ms. Malaysia: Sabi sa akin ni Mr. Malaysia, kaya daw tayong mga girls tabain, kasi daw madali tayong ma-tempt. Diba, pag may dessert, hindi tayo makatanggi?

CSA: Naku hindi ah. Si TSA matakaw sa desserts. Pero sabagay, depende sa tao.

Ms. Malaysia: Siguro depende rin sa metabolism.

CSA: Hindi. Kaya lang mas payat ang boys kasi panay ang masturbate nila.

Panay nang tawa ni Ms. Malaysia. Tinuturo si Antacid Gurl. Kinalabit ko nga.

CSA: Antacid Gurl, si Ms. Malaysia may sinasabi...

Panay lang ang tawa ni Ms. Malaysia, hindi na makapagsalita.

CSA: Kaya daw payat si Antacid Boy...

Antacid Gurl: Naman!

Posted by csadviser 17:48 Archived in Philippines Comments (3)

This Is A Very Nice Read

I found this posted on Facebook. Its a very good read kaya gusto kong i-share sa inyo.

sunny

DID I MARRY THE RIGHT PERSON?

During one of our seminars, a woman asked a common question. She said, "How do I know if I married the right person?"

I noticed that there was a large man sitting next to her so I said, "It depends. Is that your husband?"

In all seriousness, she answered "How do you know?"

Let me answer this question because the chances are good that it's weighing on your mind.

Here's the answer.

EVERY relationship has a cycle. In the beginning, you fell in love with your spouse/partner. You anticipated their call, wanted their touch, and liked their idiosyncrasies (unconventional behavior/habit) .
Falling in love with your spouse wasn't hard. In fact, it was a completely natural and spontaneous experience.

You didn't have to DO anything. That's why it's called "falling" in love... Because it's happening TO YOU.

People in love sometimes say, "I was swept of my feet." Think about the imagery of that...expression. It implies that you were just standing there; doing nothing, and then something came along and happened TO YOU.

Falling in love is easy. It's a passive and spontaneous experience. But after a few years of marriage, the euphoria (excitement) of love fades. It's the natural cycle of EVERY relationship. Slowly but surely, phone calls become a bother (if they come at all), touch is not always welcome (when it happens), and your spouse's idiosyncrasies, instead of being cute, drive you nuts.
The symptoms of this stage vary with every relationship, but if you think about your marriage, you will notice a dramatic difference between the initial stage when you were in love and a much duller or even angry subsequent stage.

At this point, you and/or your spouse might start asking, "Did I marry the right person?"

And as you and your spouse reflect on the euphoria of the love you once had, you may begin to desire that experience with someone else.

This is when marriages or relationship breakdown. People blame their spouse/partner for their unhappiness and look outside their marriage/relationsh ip for fulfillment.
Extramarital fulfillment comes in all shapes and sizes. Infidelity is the most obvious.

But sometimes people turn to work, a hobby, excessive TV, or abusive substances.

But the answer to this dilemma does NOT lie outside your marriage. It lies within it.

I'm not saying that you couldn't fall in love with someone else.

You could.

And TEMPORARILY you'd feel better. But you'd be in the same situation a few years later. Because (listen carefully to this):

THE KEY TO SUCCEEDING IN MARRIAGE/RELATIONSH IP IS NOT FINDING THE RIGHT PERSON, IT'S LEARNING TO LOVE THE PERSON YOU FOUND.

SUSTAINING love is not a passive or spontaneous experience. It'll NEVER just happen to you. You can't "find" LASTING love. You have to "make" it day in and day out. That's why we have the expression "the labor of love." Because it takes time, effort, and energy. And most importantly, it takes WISDOM. You have to know WHAT TO DO to make your marriage/relationsh ip work. Sure true love can only happen after you've fallen out of love. When you begin choosing to love, even if you don't feel like doing it ---- that's true love. And that's the foundation of a lasting and strong marriage.

Make no mistake about it. Love is NOT a mystery. There are specific things you can do (with or without your spouse) to succeed with your marriage.

photoshop-..shes-21.jpg

Just as there are physical laws of the universe (such as gravity), there are also laws for relationships.

Just as the right diet and exercise program makes you physically stronger, certain habits in your relationship WILL make your marriage stronger.

It's a direct cause and effect. If you know and apply the laws, the results are predictable. .. you can "make"love.

Love is indeed a "decision".. . Not just a feeling. You'll not just go away with your relationship just because the feeling is gone. In the Bible, love is a command. You make it happen.

Remember this always:
"God determines who walks into your life. It is up to you to decide who you let walk away, who you let stay, and who you refuse to let go."
- Ruth Beltran

"Marriage is more than saying I Do. Marriage, like a precious plant, needs constant tending for it to grow, flourish, and bear fruti to last a lifetime, and beyond."

-David and Evelyn Feliciano

Posted by csadviser 22:12 Archived in Philippines Comments (0)

Mga tanong na walang sagot...

and the misadventures of Caramel...

all seasons in one day

1. Bakit kaya hindi kaya ng Workforce na magbigay ng monthly schedule? Bakit kailangang weekly? May problema ba ang workforce sa mga agents na nakapag-adjust na sa schedule, kaya gusto nila guluhin ulit?

Nakakapagtaka talaga na simpleng bagay, hindi mabigyan ng simpleng solusyon. Wala na namang papasok na bagong batch. Ibig sabihin, the number of agents will remain constant. So bakit kailangang parang raffle ang schedule linggo linggo?

sked.jpg

Madami na akong call center na pinanggalingan, dito ang bukod tangi na babaguhin ang schedule mo para makapag-training ka. Bakit hindi tignan kung sino ang pare-pareho ang schedule at sila ang pagsamasamahin sa isang training? Hindi yung, magugulat ka na lang split off ka dahil may training ka. Tapos, surprise! Next week, iba na naman ang schedule.

Bakit kaya??? May nakukuha ba kayong satisfaction sa pagkasira ng body clock namin? Nagtatanong lang...

2. Bakit bawal kaming magdala ng Starbucks sa floor? Hindi ba nila alam na ang success ng Starbucks sa Pilipinas ay dahil sa mga call center agents? Napakalamig dito sa floor, bawal pa mag-Starbucks! Ang gusto nila ang inumin lang namin yung libreng kape na makukuha sa pantry... Ang problema sa kape sa pantry, nagkaka-LBM ang mga umiinom. Kaya ata libre.. char!

May insidente nga tungkol sa Starbucks na yan.... Ang mga trainers kasi dito panay mga foreigners - British, Hungarian, Estonian, etc... Sila, kahit ilang Starbucks ang dalhin okay lang. Walang sumisita. Hindi hinaharang ng guard. Kahit nga anong pagkain, kaya nilang dalhin. One time nga, si Estonian Bekimon, nagdala pa ng pizza sa floor! With matching plato, tinidor at knife ha... keber ang guards.

home-starbucks.jpg

Dahil sa sobrang lamig, naisipan minsan ni Antacid Gurl na bumili ng Caramel Macchiato. Laking gulat nya ng hinarang sya ng guard.

Guard: Bawal po yan.

Antacid Gurl: Bakit? Kape to.

Guard: Against policy po talaga. Bawal.

Antacid Gurl: Eh bakit yung mga trainers?

Guard: Eh iba po yun. Matataas ang posisyon nun kaya puede.

May ganon? So porke agents kami, wala kaming karapatan mag-Starbucks!!!

Syempre, umabot ito kay Bearwin. At ang pag-aakala namin na pagtatanggol nya kaming mga hamak na agents ay mali dahil ang comment nya kay Antacid Gurl ay:

"Bawal talaga, paano kung matapunan mo yung keyboard eh di nasira?"

Ano ba kami, bata??? Hindi kayang uminom ng kape???

  • **

Ang daming kwento ni Reechang tungkol kay Caramel. Ito ang ilan sa kanila:

Isang linggong naospital si Caramel dahil sa dengue. Hindi malaman kung nagbibiro ba ang tadhana, dahil nung linggo na naospital si Caramel, naospital din ang anak ni Reechang. At sa iisang floor lang. Kaya dalawa ang binantayan ni Reechang.

Nung minsang dalawin ni Reechang si Caramel sa room, nagulat sya na umiiyak ito.

"Bakit?", tanong ni Reechang.

"Kasi masakit yung tusok sa dextrose", sagot ni Caramel.

dextrose.jpg

Mabigat ang kamay ng doctor na nag-attempt lagyan ng dextrose si Caramel. Nung nagdugo na yung kamay ni Caramel, umalis ito pagkatapos sabihin na kukuha daw ng mas maliit na karayom tapos hindi na bumalik. Iba ang dumating para kabitan si Caramel ng dextrose.

Inakap na lang ni Reechang si Caramel habang tinutusok ulit para makabitan ng dextrose. Sabi nga ni Reechang, panay daw ang ngiti nung mokong na nagkabit ng dextrose.

  • **

Humihingi ng medical certificate si Caramel. Habang hinahanap ni Manong Guard ang pangalan nya sa listahan, mega usyoso ang Caramel.

"Hay, bakit ang daming Marilyn Ong sa listahan?", tanong ni Caramel.

Hindi kumibo si Manong Guard.

Inabot ang medical certificate.

Binasa ni Caramel.

Ang signatory sa medical cerificate - ang mahiwagang si Marilyn Ong.

  • **

Lalabas na ng hospital si Caramel. Kailangang magbayad. Inaya nya si Reechang na magwithdraw. Palabas ng hospital, hinarang sila ng guard. Suot pa kasi ni Caramel ang bracelet na nagpapatunay na isa syang pasyente sa UST.

"Kuya, magwwithdraw lang po", sabi ni Caramel.

"Hindi puede, naka-admit ka pa", sabi ng Guard.

Kinausap ni Reechang si Caramel.

"Ako na lang ang magwwithdraw. Ano ba yung PIN?", tanong ni Reechang.

"Eh, nasa bahay yung ATM", sagot ni Caramel.

Ang ending? Pinahiram na lang muna ni Reechang si Caramel para makalabas na sya ng hospital.

  • **

Nakisabay si Caramel at Reechang sa isang workmate na may kotse. Nag-left turn sa hindi dapat, kaya hinuli ng isang Patola.

"Sandali lang ha, bigyan ko lang ng singkwenta", sabi ng workmate na may tsikot.

Pagbaba ni Rich Kid ng kotse para maglagay sa Patola, natawa na lang si Reechang sa tanong ni Caramel.

"May resibo ba yung singkwenta?"

Wish ko lang may resibo ang kotong...

Posted by csadviser 17:56 Archived in Philippines Comments (0)

Kinakapos ka ba ng hininga?

sunny

4 days din akong hindi nakapasok. Syempre, bilang isang tao na sanay na laging may ginagawa, inip na inip ako. Pakiramdam ko napag-iiwanan ako ng panahon at nasasayang ang oras. Hindi naman ako mahilig manood ng tv, kaya nagbasa lang ako ng nagbasa. As usual, mga murder / crime / courtroom novels na naman ang pinagkaabalahan ko.

presumed-innocent.jpg

This is one of the best books I have read so far... Presumed Innocent by Scott Turow. Matagal na itong libro na ito, in fact, when I searched for it in Google, I found na ginawa na pala itong movie starring Harrison Ford. For details about the author and the book, click here. Maghahanap pa nga ako ng ibang libro na sinulat ni Turow, super galing talaga ng plot. At abogado pala sya in real life, so madaming realistic insights.

  • **

Kagabi, nainis na naman ako ni TSA. Heto ang conversation namin habang nasa harap ng dinner table:

CSA: Hon, nahihirapan na talaga ako huminga... Sobrang hinihingal na ako, hindi nawawala.

TSA: Ganyan talaga kasi dahil mataba ka. Nahihirapan ka na huminga.

Uminit ang ulo ko.

CSA: Anong dahil mataba na naman? Hello! One week na akong may sakit, tapos katabaan lang pala ang dahilan?

TSA: Hindi naman sa ganon, pero kasi diba obese na tayo.

CSA: Ewan ko sayo! Di na sana ako nagpatingin sa doktor dahil pagiging mataba lang pala ang reason ng sakit ko.

O diba? Nakakabwisit talaga noh? To think, alam nya na may asthma ako. Di man lang naisip na baka kailangan ko ng Ventolin Inhaler ko.

Posted by csadviser 19:39 Archived in Philippines Comments (4)

Negative

Not the result I was expecting...

sunny

6IMGP1971.jpg

Medyo kinakabahan ako dahil one week na ako delayed. Tapos nagkasakit pa ako (Upper Respiratory Tract Infection). Ang tagal bago ako gumaling dahil the doctor was being careful sa mga nirereseta nya na gamot because of the possibility that I am pregnant.

For the longest time, sinasabi ko na ayaw ko na magkaanak. So I was surprised at myself dahil disappointed ako na negative ang result ng pregnancy test. Di bale, may panahon pa naman ako to have a baby...

Posted by csadviser 01:53 Archived in Philippines Comments (0)

Missed the Holiday Pay!

all seasons in one day

Akala ko talaga kakayanin ko pumasok. Motivation ang 200% pay right? But I was so wrong. Woke up sounding worse than a chipmunk. Mataas ang lagnat. I think I should have rested yesterday tapos ngayon pumasok. Ano pa nga ba? Nasa huli ang pagsisisi.

Ewan ko ba dito kay TSA kung ano ang naisipan at ibinili ako ng fave Double Dutch ice cream ko. Sabi nya Joey de Leon swears that if you have a cold, eat ice cream and you will feel better. Eh ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandun na yung ice cream. Sayang naman kung hindi ko papansinin. What could possibly go wrong, right? Walang mawawala. Wala na naman akong boses, kaya attack the ice cream ang drama ko.

90_IMGP1931.jpg
90_IMGP1932.jpg
I really look sick in this pic...

In case you guys are wondering, I did not get better. I did not get worse either.

  • **

Hot Mamarsh treated me sa Starbucks last Friday. We went with Antacid Gurl bago umuwi. Kawawa nga si Antacid Gurl kasi sinusumpong ng gastritis so gusto nya daw magjuice. She ordered a blackcurrant shake.

90_IMGP1919.jpg

Ako naman, feeling dalaga, strawberries and cream...

90_IMGP1917.jpg

Nagulat na lang si Hot Mamarsh na nag aya kami umuwi after we got our drinks.

"Ang bilis naman", sabi nya.

"Sorry ka teh, nagfriendship ka nga mga mommies eh", tawa namin ni Antacid Gurl.

Eto si Hot Mamarsh na nag eemote:

90_IMGP1916.jpg

Thank you Hot Mamarsh for the treat. Sana lagi mong maiwan ID mo para pahiramin kita ng SSS ID at magka Starbucks ako everyday!

  • **

Ewan ko ba naman kung ano ang nakain ni TSA at ni Chocoboy dahil habang nagpapahinga ako, feeling kaingero naman sila sa may bakuran. Pinagpuputol nila ang malaking malunggay tree namin at iba pa. Masyado na daw masukal at baka magkaahas.

IMGP1936.jpg
Eto silang dalawa... Pati yung tanim ko na talong pinagdiskitahan...Magtanim na lang daw ako ng bago.

IMGP1934.jpg
I am sure magrereklamo si TSA na masakit katawan mamaya...

IMGP1929.jpg
Humihingi ng tulong si Chocoboy kina Charcoal... hehe

270_IMGP1938.jpg
Ang lakas ni Chocoboy...

IMGP1935.jpg
Napapraning na sa pagod si Chocoboy dito...

90_IMGP1940.jpg
Nakatayo pa ang malunggay...

270_IMGP1941.jpg
Eto na sya nung bumagsak..

IMGP1937.jpg
Nauhaw ang construction worker...

Posted by csadviser 07:00 Archived in Philippines Comments (0)

Depressing Sunday

overcast

Nagising ako ng sobrang masama ang pakiramdam. The schedule and the bad weather has caught up with me.

Nagccrave talaga ako ng pandesal at kesong puti. At dahil bumili ako ng kesong puti kahapon, ginising ko si TSA at nagpabili ng pandesal.

keso.jpg

Bumili naman si TSA ng pandesal habang ako ay nagdadalawang isip pumasok. Naisip ko na Sunday naman kaya okay lang pumasok. Petiks. Walang gaanong emails at chats.

Sa wakas, dumating si TSA.

"Nasa baba na yung pandesal", sabi nya.

"Thanks", sagot ko.

Excited akong bumaba ng hagdan... At ang nakita ko, si Greggy, nasa ibabaw ng mesa. Kinakain ang pandesal. Taragis talaga itong si Greggy. Gusto ko nang sakalin.

At ang pinakamalupit sa lahat, pagdating ko ng opisina, 5 lang kami na nakaduty. Ang galing talaga ng workforce!

  • **

Kahapon pala, nag grocery kami ni TSA. Habang namimili, nagrequest sya na bumili daw ako ng paa ng manok.

"Bakit?", tanong ko. Di naman kasi ako kumakain ng chicken feet.

"Kasi nag-usap kami ni Wally kahapon. Matagal na daw sya hindi nakakakain nun. Eh craving lang hon".

So bumili kami ng isang kilong adidas. At pagdating sa bahay, kahit hindi ko alam lutuin, niluto ko na rin. Bahala na, parang adobo lang naman daw. pero dapat manamis-namis at maanghang. Okay. Sige. Eto ang resulta:

IMGP1925.jpg

Ang TSA pagkaluto, gora agad sa bahay nila Wally. Nagpakain pa ng mga batang basurero sa village. After ten minutes, bumalik sa bahay. May comment daw sya.

"Hon, bakit may kuko?", tanong nya.

"Eh paa nga yan diba? Malay ko ba kung tatanggalin ang kuko?"

"Hindi, okay lang hon. Bumalik lang ako para sabihin na dadalhin ko yung tira nating kanin. Bitin eh".

Partida ha? May kuko pa yun. At naubos nila. Simot sarap.

At dahil masama na nga ang pakiramdam ko, nagluto na din ako ng sinigang. Sabi nga ni Chocoboy "Sobrang asim". Parang ayaw ko daw ipakain.

IMGP1923.jpg

  • **

I have been reading the most entertaining blog lately, "Mandaya Moore: Ang bayot sa bukid".

Naaliw ako sa kanya kasi, realistic. Maraming mga kwento na mag-iisip ka. At in fairness, naka-relate ako sa iba. Sa mga kasiyahan nya, sa pagnenegosyo, buhay pag-ibig at pagkabigo. Sana maka-meet ko sya, someday. Ilalagay ko sa bucket list ko ang pagbisita sa kanya sa Davao.

For a good read, visit Mandaya Moore's site here.

Binisita ko din ang blog ni FesterKerl. This is my favorite entry sa blog nya.

Sa lahat ng bloggers, keep on writing!

Posted by csadviser 23:35 Archived in Philippines Comments (2)

(Entries 71 - 80 of 144) « Page .. 3 4 5 6 7 [8] 9 10 11 12 13 .. »