A Travellerspoint blog

13 weeks na si Tyler

all seasons in one day

4index.jpg

ultrasound_13_hg.jpg

The fetus is now nearly 3 inches / 7 to 8 centimeters long from crown to rump and weighs nearly an ounce / 23 grams - about half a banana. Its unique fingerprints are already in place. And when you poke your stomach gently and she feels it, your baby will start rooting - that is, act as if she's searching for a nipple.

If you're having a girl, she now has approximately 2 million eggs in her ovaries; she will have only a million by the time she's born. She'll have fewer eggs as she gets older, and by age 17, the number will have dropped to 200,000.

As for the expecting mom, the fog may be lifting, so to speak. For many women, the side effects of early pregnancy - frequent urination, intense fatigue, nausea - diminish sometime in the second trimester. Your uterus, while large enough to announce to onlookers that you're indeed pregnant, isn't so huge that it gets in your way. Even though birth is months away, your breasts may already start making colostrum, the fluid that will feed your baby for the first few days before your milk comes in.

Posted by csadviser 19:33 Archived in Philippines Comments (2)

Gratitude Entry 1

all seasons in one day

Today, I want to focus on positive things. So this entry is about those that I am grateful for.

1. Reechang

5625_1.jpg

Thank you sobra kasi binigyan nya ako ng super gaganda na maternity tops. Karamihan nga sa kanila, nasuot ko na. Yung isa, suot ko nung graduation ni Chocoboy. Yung isa pa, suot ko nung nagmeet kami ni Zirek. Thank you super. Di nga ako makapaniwala na binigay mo sakin yung mga damit kasi ang babago pa nila.

2. Addy

Buti pa ang sisterette ko. Kahit nasa kabilang side ng mundo, lagi pa rin akong naalala. Laging tumatawag para kamustahin ako. Miss you sobra kapatid.

3. Manggang hinog

imagesCA9EPU27.jpg

Ito talaga ang pinaglilihian ko. Sabagay, kahit naman nung hindi pa ako buntis, adik na ako sa mangga. Kung yung iba, manggang hilaw, ako hinog. Minsan akong nag-try ng manggang hilaw, sumakit tyan ko. Di na ako umulit.

4. Communication with my family

imagesCAYL2RBJ.jpg

After 2 years, may contact na ulit. Great news!

5. Penny

IMGP0715.jpg

Aaminin ko na nung umpisa hindi ko naman favorite si Penny. Maka-Charcoal talaga ako. Pero lately, na-appreciate ko sya kasi super behaved. Sabi nga ni Chocoboy, magaling daw ang "alagad" nya. Ngayon, katabi ko na natutulog si Penny. Nakakatuwa nga si Penny kasi ngayong wala si Chocoboy, lagi nyang hinahanap. Lagi syang pumupunta sa kwarto ni Chocoboy at panay ang iyak. Emotera din.

6. Chocoboy

Hay, miss ko na talaga sya. 2 days pa lang wala, ang tagal ng 2 months. Naalala ko tuloy may napanood kami na parenting show ni Chocoboy. Sabi ng "expert", wag daw ipagsasandok ng pagkain ang anak. Hayaan daw mag-isang kumuha. Tinignan ako ni Chocoboy. Pag kumakain kasi kami, ako ang naglalagay ng kanin sa plato nya at plato ng daddy nya. "Mommy", sabi nya. "Mali yan, tamad lang ang nanay na yan". Napatawa na lang ako. "Tama anak", sagot ko.

Posted by csadviser 17:08 Archived in Philippines Comments (2)

One fine day

overcast

IMGP0722.jpg

Kahapon ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. Nagkita uli kami ng kapatid ko after 2 years. Ang tagal noh? Namiss ko talaga si Zirek. Ka-close ko kasi talaga sya.

IMGP0725.jpgIMGP0724.jpgIMGP0723.jpgIMGP0721.jpgIMGP0718.jpg

Nagtreat sya ng lunch sa Super Bowl. Nakakatawa nga kasi bigla namin naalala na last time kaming kumain sa labas, sa Super Bowl din. At kung ano ang inorder namin noon, yun pa din.

Anyway, nagmeet kami dahil isasabay nya si Chocoboy pauwi ng San Ildefonso para magbakasyon. Nangako kasi kami kay TSA na puede sya magbakasyon. Nung una, 1 week lang ang usapan. Ang ending, sa May pa daw uuwi si Chocoboy. So halos 2 months.

Tuwang-tuwa syempre si Zirek. Pero hindi nya sinasabi sa San Ildefonso na kasama si Chocoboy. Kwento nya pa sa akin, kinukulit daw sya ng mga magulang namin na ipagpaalam si Chocoboy kahit overnight lang. Sagot nya, ayaw ko daw pumayag. Madamot daw ako. Loko talaga. Para daw super surprise. I am sure magugulat sila pagkakita kay Chocoboy. Ang tangkad na kasi nya. Tuli na din. Binata na talaga.

Aaminin ko na mahirap ang naging desisyon na pag bakasyunin si Chocoboy. Never naman kasi kami nagkakahiwalay ng bata na yan. Talagang baby ko. Kagabi nga, panay na ang iyak ko kay TSA. Sabi ko ang tagal nya mawawala. Sinabi sa akin ni TSA ang matagal ng sinasabi sakin ni Addy. Kailangan ko na i-let go. Malaki na sya.

IMGP0712.jpg90_IMGP0690.jpgIMGP0678.jpgIMGP0688.jpg

Nung Friday ang graduation ni Chocoboy from elementary. Nagulat kami ni TSA at may award pala sya. Hindi kasi nagsasabi. One of my proudest moments talaga ang graduation nya. Pero ipinaubaya ko kay TSA ang pagkabit ng ribbon nya. Masaya kami lahat.

IMGP0714.jpg

May isang portion yung graduation ceremony nila Chocoboy na sinabihan ang mga graduates "approach your parents and tell them thank you". Una akong nilapitan ni Chocoboy. Nagkiss, nag-thank you at I love you. Gusto ko na maglupasay sa kakaiyak sa panahon na yun. Nagpigil lang ako at wala akong makitang ibang nanay na madrama.

Si TSA, nasa malapit sa stage dahil photographer ang drama. Na-touch daw sya talaga dahil lumapit at nagkiss sa kanya si Chocoboy. Hay naku, emotero kami ni TSA.

90_IMGP0672.jpg

Anak, congratulations. Mahal na mahal ka namin ni Daddy.

Posted by csadviser 19:51 Archived in Philippines Comments (1)

11 weeks and counting

all seasons in one day

Alam ko ilang beses ko na ito nasabi, pero uulitin ko na naman. Mahirap ang pagbubuntis ko ngayon. Kanina lang, pagbaba ko ng bus, panay na ang pagduduwal ko. Mula gate ng Techno Hub hanggang sa harap ng Building E. Inakay na nga ako ng mga guard dahil hindi na ako halos makalakad. Namumutla na rin ako. Bukod pa dyan, lagi pa rin masakit ang likod ko.

Sa totoo lang, kinakabahan ako. Sinabi ko nga kay TSA na dapat makahanap kami ng magaling na duktor. Kasi kay Chocoboy, di ako nahirapan sa pagbubuntis pero 2 days ako naglabor. Sobrang hirap at sakit. Ngayon, pagbubuntis pa lang, hirap na ako. Paano pa sa panganganak? Kinakabahan talaga ako.

Anyway, masaya naman ako na buntis ako. Nakikita ko kasi na excited si TSA at si Chocoboy. Noong una, worried ako na baka magselos si Chocoboy, pero hindi. Masaya sya. Excited nga sya na lumabas na si Baby. Lagi pang sinasabi na mana daw sa kanya. Paano nya kaya nalaman yun? hehehe Nagdedemand pa nga samin ni TSA na sya ang pipili ng stroller. O diba? Excited Kuya.

By the way, I am now 11 weeks pregnant.

11.jpg

You're getting close to the end of the first trimester. Most of the baby's critical development will be behind you after the next couple of weeks, and the odds of miscarriage will soon drop considerably.

Measuring from the crown of his head to his rump, your 1.5-inch/ 4-centimetre fetus has all his parts, from tooth buds to toenails. Your baby is busy kicking and stretching; his movements are so fluid they look like water ballet. Fingers and toes have fully separated. Now the fetus's main task during the next six months will be to grow larger and stronger until it can survive on its own outside the womb.

A dark vertical line of pigmentation, called the linea nigra, may appear on your abdomen. Your uterus has risen above your pelvic bones and your midwife can now feel it during an external examination.

Posted by csadviser 19:57 Archived in Philippines Comments (2)

Ayoko na managinip kung ganito

all seasons in one day

Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa panaginip ko kanina...

haunted_house.jpg

Inaaya daw ako ni Chocoboy, invited sya sa isang birthday party. Kailangan daw nya umattend dahil Ben 10 ang motif ng party. Nung pinuntahan namin yung address sa invitation, sa harap ng isang haunted house kami dinala. Lalo pa akong nagulat ng nakita ko dun si Antacid Gurl at Miss Malaysia.

CSA: Oi, ano ginagawa nyo rito? Punta din kayo sa party?

Antacid Gurl: Hindi. Wag ka na pumunta dyan. Haunted nga yang bahay na yan.

Miss Malaysia: Sino ba nag-invite sa inyo?

CSA: Di ko alam. Basta may nagpadala lang ng invitation dito kay Chocoboy.

Napilitan sina Antacid Gurl at Miss Malaysia na samahan kami ni Chocoboy sa loob. Madilim. Panay hagdan. Nairita ako. Sa 4th floor pa ang party. Umakyat kaming apat.

Pagdating sa 3rd floor, huminto si Antacid Gurl. Pinaka-haunted daw ang 4th floor sa bahay na yun. Dun na lang daw sila ni Miss Malaysia sa 3rd floor. Pumasok kami sa isang kwarto sa 3rd floor. Dun daw sila maghihintay. Dumiretso kami sa 4th floor ni Chocoboy.

Maingay. Simula na ang party. Nagulat ako ng sinabi na may ibang area for the parents. Deadma naman si Chocoboy dahil inaabutan na sya ng Ben 10 costume nya. Inayos ko mga gamit ni Chocoboy. Yung mga giveaways nya, inabot na sakin.

"Anak", sabi ko kay Chocoboy, "dun na lang kita sa 3rd floor hihintayin kasama sila Antacid Gurl at Miss Malaysia ha?"

"Okay po", sagot ni Chocoboy.

Wala sina Antacid Gurl at Miss Malaysia pagbaba ko. Pumasok ako sa isa pang madilim na kwarto. Sumigaw ako "Antacid Gurl! Miss Malaysia".

Biglang tumakbo sakin si Antacid Gurl. "Nandyan na sya", pabulong nyang sabi.

"Sino?"

"Kinuha na nya si Miss Malaysia". Umiiyak si Antacid Gurl. Malapit na mag-hysterical. Nagsisigaw.

Paglingon ko, nakita ko si Bearwin. Isa syang aswang. With matching pangil at dugo dugo sa bibig.

"Lagi kang late", sabi nya kay Antacid Gurl sabay attack.

Dito na ako nagising. Nabwisit kasi ako. Pootsa naman si Bearwin diba? Naging aswang na at lahat, attendance pa rin. Dios Mio!

Posted by csadviser 19:17 Archived in Philippines Comments (2)

What is happening to the world?

all seasons in one day

Nakakagulat ang nangyari sa Japan last Friday. Ang lakas ng lindol. Magnitude 9. Ang masaklap pa, pagkatapos ng lindol, nagka-tsunami.

gal_tsunami_japan_2.jpg gal_earthq..japan_3.jpggal_earthq..japan_1.jpggal_earthq..apan_14.jpg

Sa sobrang lakas ng lindol, nagkaroon ng "Tsunami alert" sa 19 na bansa, kasama na ang Pilipinas. Ewan ko ba, pero habang pinapanood ko ito sa balita, naluluha talaga ako. Parang sunod-sunod ang kalamidad sa mundo. Nakakatakot. Madami pang nagsasabi na puedeng sumunod ang Pilipinas. Ang hiling ko lang talaga, kung sakaling may kalamidad na dadating dito sa atin, kasama ko si TSA at Chocoboy.

My prayers to the people of Japan.

Posted by csadviser 17:58 Archived in Philippines Comments (0)

Dirty Jobs

all seasons in one day

imagesCASG4360.jpgimagesCAO9CO6K.jpg

Siguro, isa sa pinaglilihian ko si Mike Rowe. Host sya ng "Dirty Jobs" sa Discovery Channel. Super funny.

Habang nakabedrest ako, naadik ako sa panonood ng palabas nya. Mondays to Fridays, 5pm. Minsan, pinapanood ko pa yung replay kinabukasan ng 7am. Ewan ko ba, nakakatawa kasi talaga sya.

mike-rowe01.jpg

Basta kung hindi nyo pa napapanood ang Dirty Jobs, panoorin nyo. Wish ko nga magpunta sya dito sa Pinas. Maraming dirty jobs dito ah. Tulad ng mga pulitiko...joke.

Posted by csadviser 18:34 Archived in Philippines Comments (0)

Nakakapagod pala mag-bedrest

all seasons in one day

Dahil siguro sa may edad na rin ako (31 years old), hirap ako sa aking pagbubuntis. Laging masakit likod ko. Yung pagsusuka na usually ay sa umaga, gabi ko nararanasan. At sobrang hirap nya. Minsan nga, feeling ko, pati bituka ko maisusuka ko na. Nung nagpa-check up ako, faint daw ang heartbeat ng baby at mahina ang kapit. Pinayuhan ako ng aking OB na mag-bedrest for 2 weeks.

Pagpasok ko after two weeks, nag-spotting ako. Balik ako sa OB at nadagdagan ang bedrest. At eto, after 5 weeks of super bedrest, nakatuntong din ang aking mga paa sa labas ng bahay. Natutuwa naman ako kasi super bored na ako. Ang dami ko nang Sky Flakes at Hi-ro na nakain. Napanood ko na ang lahat ng gusto at ayaw kong panoorin. Sa totoo lang, kung nakakamatay ang pagka-inip, matagal na akong tegi.

Ano-ano ba ang puedeng gawin pag naka-bedrest? Hmmm...kwento ko na lang.

AZKALS MANIA

imagesCAOLCMXN.jpgimagesCAMD6M7U.jpg

Isa ako sa napakaraming Filipino na tuwang-tuwa at super proud nung nanalo sila vs Mongolia. Aaminin ko, medyo nainip ako ha...hello...45 minutes na wala pang goal...Panay sipaan. Napasigaw talaga ako nung naka-goal ang Caligdong. At ang Phil Younghusband, humabol din ng isang goal two minutes before the end of the game. Bongga!

SENATE HEARING

Rabusa_11.gif
imagesCAUUOLYV.jpg

Adik kasi si TSA sa panonood ng hearing tungkol sa pagnanakaw ng mga Heneral ng ilang milyong piso mula sa kaban ng gobyerno. Syempre, no choice ako kundi manood. Grabe ang mga tao na ito. Kaya hindi umunlad ang Pilipinas, dahil sa mga pinuno na sakim.

Nakakabilib si Heidi Mendoza at Rabusa. Salamat at pinakikita nyo na may dangal pa rin ang mga Pinoy.

angelo-reyes.jpg

Nagulat ako sa pagpapakamatay ni Angelo Reyes. Nanghinayang ako nung nakita ko ang resume nya. Magaling na tao. Sayang. Siguro, nahiya sya sa sarili nya at sa magulang nya sa nagawa nya. Lahat ng pinaghirapan nya para mabuo ang pangalan nya, nawala. Nakakalungkot. Di na nya nalinis ang pangalan nya. O sana man lang, sinabi nya ang totoo.

EGYPT and LIBYA

egypt.jpg

Parang sunod-sunod ang gulo sa mundo. Nakakalungkot. Nagkaroon ng ala-People Power sa Egypt. Pero, di katulad ng sa Pinas na super peaceful, sa kanila medyo magulo. May isa pa ngang CBS reporter (Lara Logan) na na-rape habang nagccover ng balita. To read the story, click here. Si Anderson Cooper din ng CNN, binugbog. Haaaayyyy

libya-prot..640x480.jpg

Mas magulo sa Libya kasi talagang parang giyera na ang nangyayari. Nagsawa sa lider nila na parang si Marcos dito sa atin. Madaming OFWs ang naiipit sa Libya. Kudos sa mga employer na inilikas agad ang mga Pinoy. Ganun na rin sa DFA na mega-effort. Aminin na natin, gusto man ng bansa na makuha agad lahat ng mga Pinoy dun, wala naman tayong resources.

Parang nakakatakot tuloy mag-abroad. Naaalala ko lagi si Sisterette. Sa Middle east din kasi yun. Sana lagi kang safe kapatid.

NEW ZEALAND EARTHQUAKE

078436-new..uilding.jpg

Lagi kong sinasabi kay TSA at Chocoboy na kung magmmigrate ako, sa New Zealand ko gusto. Kaya sobrang lungkot ko nung nabalitaan ko yung lindol dun. Ang masaklap pa, hanggang ngayon, may mga Pinoy na trapped sa CTV Building sa Christchurch. Hininto na din ang paghahanap sa kanila. Dahil sa tagal ng panahon, they were already considered as fatalities of the tragic incident.

Alam ko, marami pa akong kwento eh. Kaso wala akong maalala. Tsaka antok nako sobra. Bukas ulit. Hay...sana maalala ko. Matanda na talaga ako.

Posted by csadviser 19:44 Archived in Philippines Comments (0)

We are having a baby!

Fetal development - 7 weeks pregnant

all seasons in one day

stork_cartoon.gif

index.jpg

Now about half an inch / 1.25 centimeters long, the size of a grape, the embryo has distinct, slightly webbed fingers and toes. It's a jumping bean, moving in fits and starts. The liver is churning out large amounts of red blood cells until the bone marrow forms and takes over this role.

The eighth week marks the beginning of a very busy developmental stage. Between now and 20 weeks, your baby will be growing rapidly, and body parts that formed in the first few weeks of life (such as the heart and brain) will become more specialized and complicated. Right now, the teeth and palate are forming, while the ears continue to develop. The fetus' skin is paper thin, and veins are clearly visible.

You're in the throes of the first trimester, when many women complain of common pregnancy aches and pains. Keeping food down may be next to impossible, thanks to morning sickness, caused in part by the pregnancy hormones in your body. You may also need to urinate a lot more often than usual - your growing uterus is pressing on your bladder, and hormones are affecting the balance of fluid in your body. All will diminish as your pregnancy continues.

Posted by csadviser 17:59 Archived in Philippines Comments (3)

Happy Birthday Sis!

all seasons in one day

4NY_2011_celeb.jpg imagesCA61HRVK.jpg0images.jpg

January 20, 2011 marks the 18th (chos!) birthday of a great person... Isang mabuting anak, mabuting kapatid, mabait na kaibigan at higit sa lahat, mabuting tao. Happy birthday Addy! We love you!

Posted by csadviser 17:27 Archived in Philippines Comments (2)

(Entries 41 - 50 of 144) « Page 1 2 3 4 [5] 6 7 8 9 10 .. »