A Travellerspoint blog

Feeling Friday the 13th

all seasons in one day

Hindi naman Friday the 13th pero ganun ang feeling ko. Paano ba naman, pagdating ko sa opisina, ako lang mag-isa sa bay namin. Ang susunod na workmate, 5 rows away. Ayoko naman lumipat para lang mapalapit sa ibang mga tao na hindi ko kakilala. Sanay naman akong mag-isa.

Kaso, biglang nagkaroon ako ng di kaaya-ayang kasama. Dumating ang pet ni Miss Malaysia... si Panda.

Syempre, di ko pinapansin. Nung lunch time, bumili ako ng fita. Bawal na kasi ang candy at nagbabawas ako sa carbohydrates intake. So di ako nag rice. Yung fita lang. Pagbukas ko pa lang ng fita, nakita ko na agad na napatingin si Panda. Narinig ko ang boses ni Miss Malaysia sa utak ko: "Be nice". To be polite, inalok ko so Panda.

fita.jpg

Laking gulat ko ng kinuha nya ang kalahati (not kidding) ng pack nung fita. Tapos nung kinukuha ko na yung fita, sabi pa nya "Wait". Tapos kumuha pa ulit.

My goodness, ang sarap sakalin ha. Ang kapal ng fez. Parang ang lumabas pa, ako yung nanghingi sa kanya.

___

Akala ko naka-quota na ako sa kamalasan, laking gulat ko ng pinatawag ako ni Bearwin. May importante daw na sasabihin. At dun ko narinig ang bagay na hindi ko sukat akalain na mangyayari sa akin. Ililipat daw ako ng account along with 19 other agents.

So goodbye Skype. Sabi immediate daw, pero heto, mukhang halos 1 month pa ako maghihintay. May background check kuno pa. Kunin na lang kaya nila yung sa Citibank? Dun nga pumasa ako eh. harhar

___

Sa huli kong check up, naconfirm na anemic ako at prone sa gestational diabetes. So ngayon, nag meal replacement ako ng oatmeal. Daily, isa or dalawang beses oatmeal kinakain ko na walang milk ha... kasi nga bawal.

Tapos, panay green leafy vegetatables, citrus fruits at protein-rich foods ang pinapakain sa akin. Medyo iwas muna sa tinapay na laging gusto kong kinakain...

Isang buwan na lang... Lalabas na si Amber Cassidy. I can't wait. Gusto ko na sya hawakan at amuyin hehe...ang bango kasi ng mga baby diba?

By the way, eto pala ang meaning ng name ni Amber:

Amber = precious gem used in jewelry making.
Cassidy = clever one, one with the twisted locks

O diba? Parang sakto. Kulot ang ibig sabihin hehehe

Posted by csadviser 20:49 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Comments

hi.. goodluck sa paglabas ni baby amber cassidy.. :D accidentally ko lang nabasa blog mo and pareho naman tayong travellerspoint member kaya i decided to leave a comment.. be safe and i wish you a safe delivery.. :D tama ba term ko? delivery?? hehehe..

by yebahboi

Thank you. Touched naman ako. :)

by csadviser

nice to hear that. hehehe. check my blog too. para naman may creative ideas kang maipapayo sa akin. hehehe. :-)

by yebahboi

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint