A Travellerspoint blog

Gawain ng isang 6 na buwang buntis....

all seasons in one day

Lagi na lang masakit ang mata ko. Kasalanan ko naman kaya hindi ako nagccomplain. May nadiscover kasi akong game sa cellphone ni Chocoboy. Bubble Bash. Hay, hindi ko dapat ito nadiscover. Lagi akong napupuyat dahil dito. Kahit antok na antok na ako, panay pa rin ang sabi ko ng "Last game na". Si Chocoboy, suko na sa akin. Di na nya mahawakan ang cellphone nya. Proposal nga nya, magpalit na kami ng phone.

8images.jpg

Kagabi, nagulat ako na halos alas dose na pala pero panay pa rin ang laro ko. Kaya pala panay ang sipa ni Tyler. Naiirita na rin siguro dahil hindi pa ako natutulog.

So kanina, sinabihan ko si Chocoboy. Ipapahiram nya lang ang phone sa akin pag rest day ko. Goodluck naman sa akin.

  • **

Hindi ako nagbreakfast kanina sa bahay pero ang dami kong niluto na beef tapa at sinangag. Sayang at di ko na naisip kuhanan ng picture. Kami ni Chocoboy, nagbaon para sa lunch namin. Yung natitira, na mahigit kalahating kaldero pa ng sinangag, para kay TSA. Breakfast nya.

Mula ng mag graveyard shift si TSA, hindi na kami nagkikita. Balik na naman kami sa dating schedule. Nakaalis na ako pag dumadating sya. At nakaalis na sya pag dumadating ako. Textmates na lang kami. Nagkikita lang kami pag rest day ng isa sa amin. So every Saturday night at Tuesday morning. O diba? Long distance relationship ba ito? hehehe

  • **

yellow.jpg

Pagdating ko dito sa opisina, laking gulat ko na may pizza breakfast ako courtesy of my supervisor. Ang saya naman. Kaya pala wala ako sa mood magbreakfast. Super carbs ako dito. Kaya heto, 7 hours after eating the pizza, hindi ko pa rin nakakain ang aking packed lunch... Malamang iuwi ko pa yun at magiging dinner ko.

1294190982..teleria.jpg

Pero ang nakakapagtaka, wala man ako sa mood kumain ng kanin, natatakam naman ako sa mga tinapay. Nung isang araw pa ako nagccrave sa ensaymada. Bumili ako ng Marby's Mongo Ensaymada sa Mini-Stop. Super Sarap. Promise. Sulit ang 32 pesos. Hehehehe

  • **

Thank you Lord at na-approve po ang VL ko para sa birthday ni Chocoboy sa July 7. Talagang July is a new month. Fresh start. Will make a Herculean effort not to be tardy and absent.

  • **

90_IMGP0302.jpg

Last but not the least, Happy Birthday kay Kakosang Kulot. May God bless you onyour special day and all throughout the year! Pasencya na at hindi ako makakarating sa engrande mong party... alam mo naman ang sitwasyon... God bless!

Posted by csadviser 00:29 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

Comments on this blog entry are now closed to non-Travellerspoint members. You can still leave a comment if you are a member of Travellerspoint.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint