A Travellerspoint blog

You say Goodbye, I say Hello

all seasons in one day

Ilang araw ng may sakit si Hello. At ngayon nga, dumating na ang araw na kinakatakutan namin. Nagising kami na wala na si Hello.

Umiyak talaga ako. Lalo na nung tinext ko si TSA sa nangyari. Lagi kasi kinakausap ni TSA si Hello na "bawal nya kami iwanan". Dapat makilala pa sya ni Amber. Pero ayun nga, hindi na kinaya nung aso.

Si Hello ang una naming aso as a couple ni TSA. Kasama namin sya mula 2007. Sa bahay namin sa Pasay, sa San Ildefonso at finally, sa San Jose del Monte. Sya ang mommy ni Dwyane at Charcoal.

Super spoiled sya samin. Anak na rin ang turing namin sa kanya. Naalala ko, ibinibili pa namin ng kanin at ulam si Hello. Minsan, itlog lang kami ni TSA, pero si Hello, menudo ang ulam.

Tuwing merienda, chicken empanada ang kinakain nya. Nakakatawa nga yung tindera ng empanada sa Pasay, kasi pag nakikita nya si TSA, tinatawag nya at sinasabi na may bagong luto na empanada. Sinasabihan pa ako na paborito ng mister ko ang luto nyang empanada. Pigil ang tawa namin, di na namin sinabi na paborito ni Hello, hindi kami.

Alpha female si Hello. Madaming tricks na alam. Lagi namin pinapasyal sa Nayong Pilipino. Pinapakawalan lang namin at pag pagod na yun, babalik na. Minsan nga, sobrang saya at bilis ng takbo nya.... Napunta na sa tubig, hindi lumubog. Joke nga namin, si Hello lang ang asong nakakalakad sa tubig.

Kanina, wala ring tigil si Charcoal sa pag-iyak. Alam din nya wala na Mommy Hello nya. Wala nang magtatanggol pag inaapi sya si Penny at Bettina.

Alam ko na mahihirapan si TSA sa pagkawala ni Hello. Daddy's Girl kasi si Hello. Lagi sila magkasabwat. Pag nasa bahay si TSA, laging may extra food si Hello.

We will miss you Hello. Suwerte kami at naging aso ka namin. You are the best dog we could ever ask for. We love you.

Posted by csadviser 23:16 Archived in Philippines Comments (0)

Bettina the Beagle

The latest addition to our growing family

all seasons in one day

90_IMGP0891.jpg
Sad face...

IMGP0900.jpg

IMGP0897.jpg
Borrowed hat from Charcoal... Without Charcoal's consent syempre...

Posted by csadviser 02:26 Archived in Philippines Comments (0)

Feeling Friday the 13th

all seasons in one day

Hindi naman Friday the 13th pero ganun ang feeling ko. Paano ba naman, pagdating ko sa opisina, ako lang mag-isa sa bay namin. Ang susunod na workmate, 5 rows away. Ayoko naman lumipat para lang mapalapit sa ibang mga tao na hindi ko kakilala. Sanay naman akong mag-isa.

Kaso, biglang nagkaroon ako ng di kaaya-ayang kasama. Dumating ang pet ni Miss Malaysia... si Panda.

Syempre, di ko pinapansin. Nung lunch time, bumili ako ng fita. Bawal na kasi ang candy at nagbabawas ako sa carbohydrates intake. So di ako nag rice. Yung fita lang. Pagbukas ko pa lang ng fita, nakita ko na agad na napatingin si Panda. Narinig ko ang boses ni Miss Malaysia sa utak ko: "Be nice". To be polite, inalok ko so Panda.

fita.jpg

Laking gulat ko ng kinuha nya ang kalahati (not kidding) ng pack nung fita. Tapos nung kinukuha ko na yung fita, sabi pa nya "Wait". Tapos kumuha pa ulit.

My goodness, ang sarap sakalin ha. Ang kapal ng fez. Parang ang lumabas pa, ako yung nanghingi sa kanya.

___

Akala ko naka-quota na ako sa kamalasan, laking gulat ko ng pinatawag ako ni Bearwin. May importante daw na sasabihin. At dun ko narinig ang bagay na hindi ko sukat akalain na mangyayari sa akin. Ililipat daw ako ng account along with 19 other agents.

So goodbye Skype. Sabi immediate daw, pero heto, mukhang halos 1 month pa ako maghihintay. May background check kuno pa. Kunin na lang kaya nila yung sa Citibank? Dun nga pumasa ako eh. harhar

___

Sa huli kong check up, naconfirm na anemic ako at prone sa gestational diabetes. So ngayon, nag meal replacement ako ng oatmeal. Daily, isa or dalawang beses oatmeal kinakain ko na walang milk ha... kasi nga bawal.

Tapos, panay green leafy vegetatables, citrus fruits at protein-rich foods ang pinapakain sa akin. Medyo iwas muna sa tinapay na laging gusto kong kinakain...

Isang buwan na lang... Lalabas na si Amber Cassidy. I can't wait. Gusto ko na sya hawakan at amuyin hehe...ang bango kasi ng mga baby diba?

By the way, eto pala ang meaning ng name ni Amber:

Amber = precious gem used in jewelry making.
Cassidy = clever one, one with the twisted locks

O diba? Parang sakto. Kulot ang ibig sabihin hehehe

Posted by csadviser 20:49 Archived in Philippines Comments (3)

It's Amber Cassidy, not Tyler Courtney!

all seasons in one day

its_a_girl.gif

We all think, felt that we are having a boy. Hence, we always call him Tyler. Imaginie our surprise when we found out that we are having a girl! It's Amber Cassidy, not Tyler Courtney!

My baby must have been protesting inside my belly that she is a girl... Hence, the strong kicks that I have been getting.

Boy_or_girl_2.jpg2images.jpg

It was quite funny because the ultrasound showed her in a crouching position, like she's doing push-ups. She was quite a show off, throwing punches and kicks while we all watched in amazement.

Chocoboy seem more excited now that he knows he is getting a baby sister. He must have been slightly jealous.

Truth be told, we are just happy that she is developing the way she is expected to. Does not matter that she is not a "Tyler". She is after all "ours".

By the way, based on the ultrasound, Amber is due to come out around September 10 to 15 not September 20 to 27. So, I'll be having my maternity leave earlier than I thought.

I also need to eat up on proteins, citrus fruits and oatmeal. Then stay away from sweets and anything carbohydrates.

33.jpg

Your baby now weighs about 4.2 pounds/ 2 kilograms and measures approximately 17 inches/ 44 centimeters from head to toe. Your baby should already be getting ready for birth by turning upside-down - his head should be pointing down.

Your doctor will be paying careful attention to your baby's position in the coming weeks - some babies do decide to turn back round again.

Your baby's skull is still quite pliable and not completely joined, so he can ease out of the relatively narrow birth canal. But the bones in the rest of his body are hardening. Your baby's skin is also gradually becoming less red and wrinkled.

If you're a first-time mother, your child's head may move into the pelvis this week and press firmly against your cervix. (This happens for about half of all first-time mothers.) If you're a second-time mom, you can expect this to happen a week before labor - and for some this won't happen until the start of labor. Hoping to manage your labor naturally? Here's all you need to know about natural pain relief.

You may notice that your feet and ankles are quite swollen by the end of the day. Water retention, also known as edema, is often worse in warm weather and late in the day. Surprisingly, keeping hydrated helps reduce water retention. Your body - particularly your kidneys - and your baby need plenty of fluids, so drink up. If you suddenly feel swollen or puffy in your hands or face, however, call your doctor - it may be a sign of pre-eclampsia.

Posted by csadviser 02:21 Archived in Philippines Comments (2)

On this day

all seasons in one day

"It's possible to go on, no matter how impossible it seems, and that in time, the grief lessens. It may not go away completely, but after a while it's not so overwhelming."
— Nicholas Sparks (Dear John)

Today marks Tatay's 5th death anniversary.

A priest once told me that Tatay's day of demise is his new birthday. Kasi daw, ito yung araw na bumalik na sya sa langit. Kung iisipin mong mabuti, this is good news diba? Kasi nasa pinakamagandang lugar na puede nyang mapuntahan na si Tatay.

Diba, sa langit walang problema? Masaya ang lahat. Kasama mo ang Diyos.

Pero para sa mga naiwan dito sa lupa, mahirap pa ring tanggapin. Masakit.

Katulad ko. Limang taon na, pero iniinda ko pa rin. Alam ko kasi na wala na akong ibang makikilala na makakapantay kay Tatay. Wala na akong mamahalin katulad nung pagmamahal ko sa kanya. Pakiramdam ko nga, may bahagi ko na namatay din nung nawala sya. Pag may nangyayari na maganda sa buhay ko, lagi kong naiisip "mas masaya kung nandito si Tatay".

Katulad nitong pagbubuntis ko. Sayang at hindi na makikilala ni Tyler si Tatay. Buti si Chocoboy, nakasama nya si Tatay. At kahit maliit pa sya noon (seven years old si Chocoboy nung namatay si Tatay), madami syang good memories of Tatay.

fc1f785d0c06f71a.jpgae9ba1ad25658ae2.jpg

Kahapon, napag-usapan namin ni Addy si Tatay at ang Papa nya. Kwento nya, masarap magluto ng dinuguan si Papa nya. Wala na daw nakamana sa pamilya nila ng recipe ng Papa nya. Kaya ngayon, lahat sila, yun ang hinahanap.

Naka-relate ako sa sabi ni Addy. Si Tatay naman, specialty ang kare-kare. Sobrang sarap. Wala pa akong natitikman na kare-kare na katulad nun.

Na-realize ko, pag buhay pa ang isang tao, pakiramdam natin, forever silang nandyan lang. Kaya walang nag-abala na itanong "paano mo niluluto yung kare-kare Tay?" Diba? Kasi ang mindset ko, mindset naming lahat, nandyan lagi si Tatay para lutuin ang kare-kare. Ganun din kay kapatid na Addy. Walang nagtanong paano lutuin ang dinuguan.

Grabe Tay, miss na miss pa rin kita. Naiiyak pa rin ako pag naiisip kita. Lagi kitang napapaginipan. At alam ko, sigurado ako, my life would be so much better kung nandito ka pa.

Sabi nila, time heals all wounds. Not true. It just teaches you to cope better.

Posted by csadviser 23:59 Archived in Philippines Comments (1)

Fetal development - 29 weeks pregnant

sunny

We (TSA, Chocob and yours truly) are all excited for Tyler to finally arrive on September. Super likot na sya and he knows his name. Kapag kinakausap namin sya at tinatawag na "Tyler", panay ang sipa nya.

29.jpg

Your baby now weighs around 2.5 pounds/ 1.1 kilograms and measures about 15 inches/ 38 centimeters from head to toe. In boys, testicles descend from near the kidneys through the groin en route to the scrotum. In girls, the clitoris is relatively prominent because it's not yet covered by the still-small labia. These will grow to cover it in the last few weeks before birth.

Your baby's head is getting bigger, and brain growth is very rapid at this time. Nearly all babies react to sound by 30 weeks.

Posted by csadviser 21:10 Archived in Philippines Comments (0)

How NOT to say sorry

all seasons in one day

Last Monday, natuwa ako nang ibinalita ni Chocoby na bati na sila ni TSA. Sabi nya, nag-apologize na daw sya sa Daddy, at katunayan, sabay pa nga sila nagdinner.

Syempre, nakahinga ako ng maluwag. Sa wakas, natapos na ang "Ensaymada War" nilang mag-ama, at makakapagcelebrate si Chocoboy ng birthday nya ng wala silang samaan ng loob ng Daddy nya.

sor.jpg

Kinabukasan, maaga ako gumising para ipaghanda ng breakfast ang dalawa. Nakapasok na sa school si Chocoboy nang dumating si TSA.

Habang kumakain si TSA, nagulat ako nang sabihin nya na "Akala ko ba mag-sosorry na si Chocoboy?"

"Bakit?", tanong ko. "Akala ko bati na kayo? Sabi nya nag-apologize na sya."

"Hindi ah. Hinihintay ko nga eh."

Nagtinginan na lang kami ni TSA. Nagulat ako bigla syang tumawa.

"Naku hon", sabi nya. "Sabihin mo kay Chocoboy malaki na sya. Hindi na puede yung mga pa-cute nyang pag-sosorry."

Napaisip ako. Dun ko biglang naalala. Nangyari na ito dati. Sabi ni Chocoboy, nag-sorry sya sa Daddy nya. Pero walang maalala si TSA. Kasi pala, nung nag-apologize yung bata, tulog na tulog ang tatay nya.

Posted by csadviser 19:44 Archived in Philippines Comments (1)

Akala ko ginto, tanso pala

all seasons in one day

tumblr_lio..wo1_500.jpg

Nagulat ako pagsakay ko ng bus ng biglang may lalake na tinawag pa ako at sinabing bakante ang upuan sa tabi nya. At dahil yun ang nag-iisang natitirang bakante na upuan, upo ako. Sa totoo lang, medyo nagtaka ako kung bakit madaming nakatayo pero walang umuupo sa tabi nung lalake.
Sa tatluhan yun. May matandang babae sa may window seat, tapos si Kuya na nagpa-upo at ako. Medyo masikip pero okay lang. Beggars (or in this case, pregnant lady) can't be choosers.

Wala pang five minutes, nagulat ako ng biglang sinabi sa akin ni Kuya na palit daw kami ng upuan dahil nasisiksik ako ng mga dumadaan at nakatayo. Hindi ako kumibo. Hindi ko kasi makita ang logic ni Kuya. Kung lilipat ako sa gitna nila ni Lola, diba ako naman ang masisiksik?

Hindi nagpapigil si Kuya. Bigla syang tumayo at hinakbangan ako. Korak. Hinakbangan ako...

Tapos wala pang two minutes, tayo na naman sya... sabi pa naaasiwa daw sya kumilos dahil nabubunggo nya yung buntis. Lintek, dinahilan pa ako. Pagtingin ko nakaupo na sya sa ibang lugar...

Pagdating ng Tandang Sora, may limang lalake na bumaba kasama si Kuya. Doon biglang lumapit sa amin si Kuyang Konduktor.

"May nakuha ba sa inyo?", tanong nya.

Nagulat ako. "Nakuha?"

"Yung lalake sa tabi nyo na hindi mapakali, mandurukot."

Nagkagulo ang mga pasahero. Akala mo signal ang salitang mandurukot para magsimulang magpanic. Nakuhanan si Lola ng wallet. May mga nawalan din ng wallet sa may bandang likuran ng bus, at may estudyanteng nakuhanan ng kuwintas.

At ako? Walang nakuha sa akin. Kasi laging akap ko ang bag ko. Pero na-disappoint na naman ako sa mga kalalakihan. Akala ko gentleman na, mapagsamantalang magnanakaw lang pala.

Posted by csadviser 03:37 Archived in Philippines Comments (0)

Ang Mahiwagang Ensaymada

all seasons in one day

Masaya akong umuwi kagabi dahil after three days, nagkita din kami ni TSA. Rest day nya kasi. Nagulat nga ako dahil pagbaba ko ng bus, naghihintay sya sa may waiting shed.

Una nyang sinabi sa akin na may nakawan daw sa village. Nagulat ako.

"Ang aga naman hon. Wala pang 9pm", sabi ko.

"Oo nga hon. Delikado talaga panahon ngayon. Yung bahay pa nung pulis ang nanakawan",
sagot nya.

"Ano nangyari?"

"Ayun, bugbog sarado. Buti nga di binaril."

Lakad kami pauwi. Madaming tao sa kalye. Lahat ng taga-village naglabasan para pag-usapan ang nakawan. Di rin maiwasan na naka-ilang stop-over kami ni TSA. Madaming nag-aya sa kanya na magbuo ng "ronda".

Pagdating sa bahay, sinalubong kami ni Chocoboy na bag ko agad ang inasikaso. As usual, hinalungkat nya para maghanap ng pagkain at Sugus. Remember yung kwento ko sa masarap na ensaymada? May isa pa akong natitira sa locker so iniuwi ko. Ayun, na-confiscate agad ni Chocoboy. Buti at hindi nakuha ang Sugus dahil nasa kikay kit.

"Ano yan?", tanong ni TSA, sabay nguso sa ensaymada.

"Masarap na ensaymada hon", sagot ko. "

"Pahingi naman. Share tayo 'nak", sabi ni TSA.

"ah, eh", nautal na naman si Chocoboy. Kumakamot sa ulo. Halatang ayaw magshare.

"Anak, hati kayo ni Daddy," sabi ko.

Hindi pa rin kumibo ang bata.

Umirap si TSA.

"Ibibili na lang kita bukas hon", sabi ko.

"Huwag na. Bibili ako ng sarili ko. At kakainin ko lahat. Walang hihingi", halatang nagtatampo si TSA.

Matutulog na kami pero yung ensaymada pa rin ang topic. Ewan ko naman kasi dito kay Chocoboy kung bakit biglang sinumpong. Talagang nagpakamatigas sya at hindi nagshare sa Daddy nya. Kinain ang ensaymada sa room nya. Walang hati-hati.

Ang ending? Cold war ang mag ama. At ako? Eto, may dala na naman akong ensaymada mamaya pag-uwi. Para naman kay TSA.

Posted by csadviser 02:01 Archived in Philippines Comments (0)

The Perfect Adobo

sunny

Hindi ko alam kung bakit pero never talaga kong nag-measure ng ingredients pag nagluluto ako. Panay tantsa lang at according to taste. Kaya ang ending? Everytime magluluto ako, iba ang lasa nya...

Sa bahay namin, isa sa mga "emergency" ulam ang adobo. Syempre nga naman, madaling lutuin at matipid. Kailangan mo lang ng toyo, suka, paminta at bawang, may masarap na ulam ka na.

Kanina, maaga akong gumising para magluto ng pork adobo with sitaw. Kailangan may halong gulay lagi ang ulam namin. Tsaka favorite ni Chocoboy ang sitaw. Hindi nga nya pinapansin ang pork...panay sitaw ang kinakain nya.

Anyway, for some unknown reason, o medyo restless lang ako, naisipan ko na imeasure ang mga ingredients kanina. Para kung gusto nila TSA at Chocoboy ang adobo version of the day, kaya ko ireplicate ng sakto. Hindi naman ako nagsisisi. The recipe is a keeper. I was not able to take pictures though due to time constraints. Ayoko kasing ma-late sa buong month ng July. Next time I cook it though, I will take tons of pictures and update this recipe post.

The Perfect Adobo

1/2 k pork cubes
1/4 cup vinegar
1/2 cup soy sauce
1/2 cup water
5 cloves garlic, finely minced
1 tsp ground pepper
stringbeans

Wash the pork cubes thoroughly. Place pork cubes in a large frying pan. Add all the ingredients except the soy sauce. Cover the pan.

Bring to a boil. Lower the heat. DO NOT STIR. Wait until the liquid is half its' original amount or until the pork cubes are tender. Add the soy sauce. Continue simmering with the lid on.

Remember to constantly check on the adobo. After 5 minutes, add the stringbeans.

Some like it with a lot of sauce, while others want it drier. TSA and Chocoboy are "sauce people" so I always save the sauce but continue with the cooking process so that the pork will render oil and fry in its own fat.

That's it. Serve with hot rice. A lot of rice.

Posted by csadviser 19:50 Archived in Philippines Comments (1)

(Entries 1 - 10 of 144) Page [1] 2 3 4 5 6 7 8 9 10 .. »